TUNAY NA PAGPAPAKUMBABA: TAIMTIM NA PAGTANGGAP SA KATOTOHANAN!
Talaga mang tapat sa pagsunod sa “Batas ni Moises” ang mga Pariseo. Masigasig sila sa pagganap sa kaliit-liitang alituntunin ng pagsunod sa Batas. Itinagala na nila ang lakas, oras, at buong buhay sa puspusang pagganap sa mga atas tungkol sa mga paghuhugas ng kamay, at paa. Sa oras at posisyon sa pagdarasal, sa pag-aayuno at penitensiya, sa pagsusuot ng tamang damit sa pagsamba, at marami pang ibang gawaing pangrelihiyon. Kaya nga “pariseo” ang tawag sa kanila. Ang ibig-sabihin nito’y “nakabukod” o “natatangi” o "hiwalay” sa pangkaraniwang tao na di kayang sumunod ng gayong paraan sa mga alituntunin ng relihiyon.
Eh bakit naging taliwas sila sa mga aral ni Hesus? Tingnan
natin ang Pariseong “nagdarasal” sa talinghaga ni Hesus. Ipinagmamalaki niya sa
Diyos at sa tao ang kanyang katapatan at sigasig sa pagsunod sa batas. Maganda ang bahaging ‘yon sapagkat iyo’y
totoo. Ang taliwas sa aral ni Kristo ay ang kanyang damdamin na ang sarili
niyang mga gawaing iyon ang “nagpapabanal” sa kanya! At sa bias ng mga gawaing
iyon ay tila baga inoobliga niya ang Panginoon na tanggapin siya at itanghal
siyang higit sa lahat ng tao. Nakatayo
at taas-noo niyang inuusal, ”O Diyos, salamat at hindi ako tilad ng ibang
tao—mga magnanakaw, mandaraya, nakikiapid. Salamat at hindi ako katulad ng
kolector ng buwis na iyon!”
Malayo na ito sa katotohanan. Tanging ang awa ng mapagmahal
na Diyos ang nagpapabanal att nagliligtas sa atin. Isang kasinungalingan ang
isipin at ipahayag na kaya nating iliigtas ang sarili kahit na sa pamamagitan
ng mga gawaing pangrelihiyon. Ang masamang bunga nito ay ang matuon at kapwa!
Dahil ditto, ang Pariseo at ang kanyang “pagdarasal” ay hindi naging
kalugudlugod sa Amang Diyos, ayon sa talinghaga ni Hesus.
Tingnan naman natin ang “Publikano” o kolektor ng salaping
buwis. Nakasabay sila ng Pariseo sa pagdalaw sa templo. Dahil sa mga Publikano
ay naglilingkod noon sa mga dayuhang gumapi sa baying Israel at dahil sa
pang-aabuso nila ng kapwa-Hudyo sa kanilang trabaho sa “Gubyernong dayuhan,” ang mga ito’y—na siya’y makasalanan at tanging ang awa at patawad ng Diyos ang
makapagliligtas sa kanya! Sa kanyang pagsisisi at hangad na magbago, hindi niya
ikinubli o ikinahiya ang katotohanang ito sa kasabay na Pariseo.
Tiyak na naririnig ng Publikano ang mabigat na husga ng
Pariseo sa kanya. Pero, panatag ang kanyang kalooban. Tinatanggap at ipinahahayag
niya sa harap ng Diyos at ng mga tao ang katotohanan. Hindi siya makatingin sa
langit,dinadagukan ang dibdib at umuusal, “O Diyos, mahabag na po kayo sa
akin…isang makasalanan.”
Ito ang tunay na pagpapakumbaba—ang taimtim na pagtanggap sa
katotohanan sa harap ng Diyos at ng tao. Minsan nang ipinahayag ni Hesus: “Ang
katotohanan ang magpapalaya sa inyo. ”Kaya naman ang wika ni talinghaga:
Sinasabi ko sa inyo, ang tanong ito ang umuwing kinalulugdan ng Diyos.”
Fr.Ben Gomez, OMI
Grace Park Cross October 28, 2001

Comments
Post a Comment