SIYA’Y MULING NABUHAY… AT MANANATILI SA ATING PILING

 SIYA’Y MULING NABUHAY… AT MANANATILI SA ATING PILING

Hindi naniwala si Tomas nang ibalita ng kanyang mga kapwa-alagad, “Nakita naming ang  Panginoon. ”Hindi natin masisisi si Tomas. Minsan na siyang nainiwala. Ngunit  ang paniniwalang yun ay gumuho ng mamatay si Hesus. Para sa kanya, napakaganda ng balita ng kanyang mga kasamahan para tangagapin at paniwalaan . “It’s too good to be true.”  Wika nga.

Tayo ay naririto ngayon at nagkakatipon dahil sa ating nagkakaisang pananmpalataya na totoong muling nabuhay si Hesus. Ngunit ano ang batayan ng ating paniniwala gayong hindi naman natin nasaksihan si Hesus kagaya ng nangyari sa  mga alagad.?

Ang ating ebanghelyo ay nagbibigay ng tatlong bantayan: Una nagtitiwala tayo sa patotoo ng mg alagad. Ang ating pananampalatayang Kristiyano ay nakaugat sa nangyari  kay Hesus, na ang sentro ay ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay. Ang karanasan ng pagkabuhay ni Hesus ay lubusang nagpabago sa mga alagad. Iyon ang dahlia para sila ay mabuo at manindigan sa dakilang karanasan nila. Hindi nila maipapaliwanag ang dakila nilang pagbabago at ang kanilang tapang sa harap ng maraming pagsubok kung hindi totoo ang kanilang ipinahahayag.

Ikalawa, ang tunay na panampalataya ay batay sa ating enkuwentro kay Hesus na muling nabuhay. Hindi natin siya nakikita ng ating mga mata, ngunit ang enkwentrong ito’y hindi lamang kaloob niya sa atin, kundi sa pamamagitan ng mga panlabas na tanda, siya’y sumasaatin.

Nakakatagpo natin si Hesus na muling nabuhay sa ating mapagnilay na pagbabasa ng Banal na Kasulatan. Dito’y tinuturuan niya tayo at hinahamon na maging lalong tapat sa pagsunod sa kanya.

Ikatlo, ang ating pananampalataya ay batay sa karanasan ng Simbahan. Si Tomas ay nag-alinlangan nang siya’y hindi kasama ng mga alagad. Ngunit noong siya’y bumalik sa piling nila, kanyang nakatagpo si Hesus at nawala ang kanyang pagdududa.

Ang Simbahan, ang kalipunan ng mga tagasunod ni Hesus, ay tanda ng pananatili sa ating piling ni  Hesus na muling nabuhay. Sa pakikiisa natin sa sama-samang pagsamba, sa pakikipagsangkot natin sa paglilingkod sa buong buhay nito, nararanasan natin kung paano mangalaga at gumabay sa atin ang Panginoon.

Ang hamom sa atin ay hindi lamang ang ulit-ulitin ang mabuting balita ng muling pagkabuhay ni Hesus, kundi ang ito’y ipakita sa ating pagbabago ng buhay. Kung tayo’y mabubulag sa buhay na makasarili at maging mapagbigay, kung ang ating pananamlay ay mapagalitan ng kasigasigan, kung ang ating pagmamantas ay mapapalitan ng pagpapakumbaba, lalong magiging kapani-paniwala an gating pananampalataya sa isang Diyos na muling nabuhay.

Rev. Gerry Villas,OMI
Grace Park Cross April 4, 2002

Comments