SI OUR LADY OF GRACE SA AKING BUHAY

SI OUR LADY OF GRACE SA AKING BUHAY

Noong aking kabataan, ako ay nabiyayaan ng isang tinig-mang-aawit kaya ako ay umaawit sa koro ng aming parokya sa Santa Maria Bulacan. Ngunit pagdating ng 30 taon ito ay nawala. Ako ay namaos at madaling mapagod ang aking lalamunan kapag nagsasalita.

Lumipat ako sa Grace Park para sa isang munting negosyo at dito ako nadsimulang magsimba sa Our Lady of Grace. Dito napasapi ako sa Confraternity of Our Lady of Grace,isang samahang nagpapalaganap sa debosyon sa Banal na Ina ng Biyaya sa pamagitan ng panalangin ng Santo Rosaryo. Upang mapailalaim ang debosyon ng mga kasapi ng Confraternity sa Mahal na Birhin ako ay bimili ng imahen ni Our Lady of Grace na dinadala sa kani-kanlang mga bahay at mananalangin  ng rosary gabi-gabi ang buong mag-anak. Pagkatapos ng isang lingo ito ay ililipat sa ibang kasapi.

Mula noon ako ay isinama sa koro ng oarokya at dahil sa paninilbihang ito noong 1998 ang Parish Music Ministry ay nag-abot sa akin ng isang Gawad Parangal sa Pag-awit.

Nagdaan ang ilang taon,patuloy ang aking paglilingkod bilang choir member,officer ng Confraternity at kasapi ng Vocation Ministry. Isang araw,pagkatapos ng ensayo sa koro ako ay nahulog ng ilang baiting ng altar at nabalian sa balakang. Ako aysumailalim sa isang operasyon at nilagyan ng bakal ang aking balakang.Sa awa ng Diyos at laking himala ay wala akong naramdamang sakit.

Sa aking mga panalangin, isa na lamang ang hindi sinagot ng Diyos, ang magkaroon ng anak na pari. Ako’y may kapatid na Hesuita. Ang panganay kong anak ay pumasok sa seminary, ngunit tila hindi iyon ang kkalooban ng Panginoon sa kanya. Sa halip siya ngayon ai isang propesor ng teologika at sumusulat ng mga aklat sa theology. Ngunit biniyayaan na naman ako ni Our Lady of Grace nang ang kura paroko ay pinangalanan akong kanyang ina-inahan.

Noong 2003 sa 40th Anniversary ng Confra ako ay pinagkalooban ng Outstanding mother of Our Lady Of Grace Parish Award.

Taong 2008, ako aiisinama ng aking manugang sa convention ng Divine Mercy sa Roma. Kasama sa pilgrimage sina Bishop Teodoro Bacani at narinig nila akong umawit kasama sa kongregasyon.Nagtanong sila kung ilang taon na ako. Namangha sila na sae dad 85 ay buong-buo pa ang aking tinig.

Anong biyaya pa kaya ang dapat kong hilingin sa Kanya? Sa lahat ng ito Panginoon,Iyo ang aking buhay, gawin Mo sa akin ang alam Mong makabubuti sa akin. Hindi ako titigil sa pagdalangin, pag-aalay sa iyo ng anumang nararamdaman sa katawan at sa pagtulong sa mga pangangailangan ng Shrine of Our Lady of Grace hanggang binigyan Mo pa ako  ng kalusugan at lakas. Hindi ako bibitaw sa Iyo, nananalig aking hindi Mo rin ako pababyaan. Our Lady of Grace,ipanalangin Mo ako. Amen.

Migula Perez Manigas
91 Years Old  
Confraternity of Our Lady of Grace/ Vocation                                                   

Comments