SI JESUS ANG MESIAS, WALANG ALINLANGAN

SI JESUS ANG MESIAS, WALANG ALINLANGAN

Ikaw ba ang Mesias? Tulad ng marami sa mga propeta na nanindigan sa kanilang prinsipyo, si Juan Bautista ay pinahirapan. Si Herodias na asawa ni haring Herodes ay galit kay Juan dahil sa pinagsabihan  ni Juan si Herodias at ang hari na hindi tama at makasalanan ang kanilang pagsasama. Dahil sa impluwensiya ni Herodias sa kanyang asawa, naipabilanggo niya sa hari si Juan Bautita. Alam ni Juan Bautista na mapanganib ang kanyang kalagayan sa bilangguan kaya bago pa may mangyari sa kanya, ipinadala  niya kay Jesus ang kanyang mga alagad upang alamin kung si Jesus ba ang tunay na mesias na hinihintay ng bayan ng Israel.

Nag-alinlangan si Juan Bautista dahil sa hindi niya nakita ng personalan si Jesus at ang kanyang mga narinig ay hindi ayon sa kanyang paniniwala tungkol sa Mesias. Gumagawa nga ng mga himala si Jesua ngunit hindi naman niya ginagamit ang kanyang kapangyarihan upang iligtas ang mga Hudyo sa kapangyarihan ng mga dayihang Romano. Hindi rin ginagamit ni Jesus ang kanyang kapamgyarihan upang pakawalan si Juan sa kanyang bilanguan.

Pagdating ng mga alagad ni Juan, tinanong sila si Jesus, ”Kayo po ba ang ipinangakong paririto o maghihintay pa kami ng iba? Hindi sila sinagot ng tuwiran ni Jesus,” Bumalik kayo kay Juan at sabihin sa kanya ang inyong narinig at nakita: nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga patay, gumagaling ang mga ketongin,nakaririnig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay,…” Ito ang mga sinabi ni propeta Isaias tungkol sa Mesias. "To see is to believe.” At dinadagdagan ni Jesus, "at ipinangangaral sa mga dukha ang Mabuting Balita. Biglang binaliktad ni Jesus ang pagbibigay halaga, ang mga dukha ngayon ang nangunguna at hindi ang mga mayaman at makapangyarihan. Hindi rin pinatuloy ni Jesus ang sinabi ni Isaias “Ipahayag ang kalayaan sa mga bihag at pakawalan ang mga nsa bilangguan.” Kung si Jesus ang Mesias mapapalaya niya si Juan sa kanyang pagkabilanggo.

May dahilan kung bakit nag-alinlangan si Juan Bautista. Tulad ng marami sa mga Hudyo, ang inaasahan ni Juan ay isang tagapagligtas na siyang lulupig sa kapangyarihan ng mga romano. Ngunit ibang uring Mesias si Jesus.

Maramibg tao ang tumatanggap kay Jesus bilang Mesias na darating. Ngunit mas marami ang hindi tumanggap sa kanya at naghihintay pa rin. Maraming mga Kristiyano ang humahanap ng iba pa. Marami tayo ngayong mga sekta,mga relihiyon, mga “Kristo”,mga sistemang political ay sosyal. Marahil hindi nila nakikita at naririnig ang Gawain ni Kristo sa kanyang katawan na siya ngayong Simbahan. Ginagawa pa ba natin ang mga Gawain ni Jesus? Pumapanig pa ba tayo sa mga dukha,sa bulag,sa pilay, mga ketongin, bingi at sa mga taong ang buhay ay para na ring kamatayan, tulad ng mga kabataan na nakatira sa sementeryo ng Kalookan o sa nakatira sa mga palasyo at tirahan ng mga cronies?

Ito ang mga Gawain ng Simbahan na ngapapakita na narito na ang kaligtasang dinala ni Kristo.

Fr. Jose D. Ante, OMI
Grace Park Cross  December  13, 1998

Comments