SAAN KA NAUUHAW?
Summer na naman! Mainit na namn ang panahon. Nakakauhaw. Naalaala ko tuloy iyong commercial sa telebisyon tungkol sa isang brand ng softdrink “Obey your thrist.” Ang pagkauhaw ay karaniwan nating nararanasan kapag ang ating katawan ay nagkukulang sa tubig. Ito ay isang natural na tugon ng katawan. Kapag nararanasan natin ang matinding uhaw tila baga hindi tayo mapakali hangga’t hindi ito naiibsan. Katulad ng pagkagutom sa pagkain, gagawa at gagawa tayo ng paraan upang mapawi ang hapdi ng sikmura o pagkatuyot ng lalamunan. Sa sandaling ang matinding pangangailangan ito ay makamtan, makakaranas tayo ng pansamantalng kaginhawaan.
Ang pagkabalam na maibsan ang pagkauhaw ay nagbubunga ng
init ng ulo. Sinumbatan ng mga Israelita
si Moses (unang pagbasa). Inakala nila na walang patutunguhan ang kanilang
paglalakbay kaya naisip nila na mabuti pa sana ay hindi sila umalis sa Egipto.
Naramdaman ni Moises ang kanilang kalagayan kaya’t siya ay taimtim na
nanalangin. Dininig siya ng Diyos, ang bukal ng pagpapala.
Sa ating Banal na
ebanghelyo, nasaksihan natin si Hesus bilang tunay na tao ay nakadama ng
pakauhaw. Ang balon na ibinigay pa ni Jacob ang siyang naging saksi sa
pakikipag-usap niya sa Samaritana. Bilang panimula ay humingi siya ng tubig sa
Samaritana na siya naming ipinagtaka ng huli. Hindi niya ito akalain sapagkat
hindi niya inaasahan na ang isang Hudyo ay makikipag-usap sa katulad niyang
Samaritana ( ng maganadang balita ng kaligtasan ay para sa lahat ng lahi).
Sa kanilang pag-uusap ay dahan-dahang nabuksan ang isipan ng Samaritana
hanggang siya naman ang humingi kay Hesus ng tinutukoy ay buhay na tubig.
Ano po ba ang ibig
sabihin ng buhay na tubig? Sa ating
ikalawang pagbasa sa sulat ni Apostol San Pablo, sinasabi niya sa mga taga roma
ang ganito, "Sa pamamagitan nga niya’y
tinantamasa natin ang kagandang- loob ng
Diyos. Hindi tayo nabibigo sa ating pag-asa, sapagkat ang pag-ibig ng Diyos ay
ibinuhos sa ating mga puso sa pamamagitan ng Espirito Santo na ipinagkaloob sa
atin”. Ang Diyos mismo ang Siyang bukal
ng buhay na tubig na ito. Siya ay “nauuhaw”
na maibahagi ito sa atin sapagkat wala siyang hinahangad kundi ang
kaligtasan.
Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, nauuhaw tayo sa
maraming bagay. Nauuhaw tayo sa kayamanan, karangalan at kapngyarihan. Marami sa
mga kabataan ang nauuhaw sa ipinagbabawal na gamot. Ang iba sa atin ay uhaw na
uhaw sa pagtetext, at marami pang iba. “Don’t just obey this kind of thrist”.
Ngayong panahon ng Cuaresma, inaanyayahan tayo na talikdan
ang mga huwad na paguhaw. Maging uhaw sana tayo na mapanumbalik ang magandang
pakikipag-ugnayan sa ating kapwa sa pamamagitan ng pagpapatawad. Maging uhaw
sana tayo na linisin an gating kapaligiran at mahalin nag kailikasan. Maging
uhaw sana tayo sa pagdarasal.
Higit
sa lahat magbigay tayo ng malinis na tubig sa mga kapatid nating nauuhaw.
Rev. Larii
Asilo,OMI
Grace Park Cross March 3, 2002

Comments
Post a Comment