Sa Pakikipaglaban sa Masama, Tayo’y Kaisa ng Panginoon

Sa Pakikipaglaban sa Masama, Tayo’y Kaisa ng Panginoon

Sangkot tayo sa ibat’-ibang anyo ng labanan. Nariyan ang tagisan ng lakas at talino na nagbibigay sa atin ng kasamaaan - halimbawa’y ang kampanya laban sa katiwalan, kampanya laban sa droga at iba ang salot na bisyo. Anuman ang anyo ng laban, iisa an gating hangarin ang lumitaw na matagumpay.

Ang pagwawagi ni Hesus laban sa demonyo ay tunay na maganadang balita para sa atin. Sapagkat tayo man nakikipaglaban sa demonyo. Ipinalalagay sa atin na kayang talunin ang demonyo; hindi kailangang padala o patalo sa kanya.

Paano tayo magwawagi laban sa demonyo? Una, kailangan nating  kilalanin ang demonyo. Sa alinmang labanan, hindi tayo magtatagumpay kung hindi natin kilala ang katunggali-ito man ay laro, giyera, kampanya sa droga o katulad nito.

Mahalaga ring malaman natin na  ang pamamaraan ng demonyo ay pandaraya. Ikinukubli nito ay kasamaan, at pinagmumukhang mabuti ang kanyang iniaalok. Hindi man niya sabihing nagnakaw tayo, ang ipinapasok niya sa ating isip ay ang pagkakamali ng salapi. Hindi man niya sabihing suwayin natin ang Diyos, ang ibubulong niya sa atin ay ang pag-asa sa sariling kakayahan lamang at hindi sa Panginoon.

Ikalawa, kailangan buo ang paglaban sa demonyo. Hindi tayo magtatagumpay laban sa kanya kung papalit-palit tayo ng panig na kanakatigan.Kaugnay nito, kailangang hindi natin ginagamit ang pamamaraan ng demonyo. Ang katiwalian ay hindi masusugpo ng kapwa katiwalian. Ang kasamaan ay magsusugpo lamang ng kabutihan; ang karahasan ay masasanla lamang ng pag-ibig.

Ikatlo, sa ating pakikipaglaban sa demonyo.dapat ay kasama natin ang Diyos. Karanasan ito ni San Pablo, kaya’t kaya niyang ipahayag.” Kung ang Diyos ay panig natin, sino ang laban sa atin? (Roma 8:31) . Ang lahat ng ito’y kayang-kaya nating pagtagumpayan sa pamamagitan niya na nagmahal sa atin.

Ang ating buong buhat ay isang pakikipagtunggali sa demonyo. Hindi ito kailangang maging dahilan ng ating pagkatakot. Bagkus ay alalahanin natin na ang bawat pagwawagi sa panunukso ng diyablo ay okasyon ng pagpapahayag ng ating katapatan sa Diyos. At hindi natin dapat ikatwiran ang ating karupukan dahil tayo’y naniniwalang tayo’y ininligtas na at ipinaglalaban ng Diyos.

Rev. Gerry Villas ,OMI
Grace Park Cross PEBRERO 17,2002

Comments