PONDO NG PINOY UPDATE
“Anumang magaling, kahit na maliit, basta’t malimit ay patungong langit.” Ang katagang ito ay nagkakaroon ng katuparan sa sama-sama at tulong-tulong na paggawa ngkabutihan sa kapwa.
Simula noong Launching na ginawa noong Setyembre 4 hanggang
sa kasalukuyang, ang maliit na “mumo” ay naiipon sa pamamagitan ng
pakikipagtulungan ng iba’t-ibang Areas, Ministries, MOMG’s iba’t-ibang pamilya, eskuwelahan at iba pang indibidwal na
kusang nag-aalay ng kanilang handog para sa Diyos at kapwa. Sa ngayon, mayroon napo tayong naipon na P 16,100.15 at ito’y naka-deposito sa OLPG Cooperative. Kung
gusto po ninyong malaman kung magkano ang inyong naipon, iyo’y naka-post sa
loob ng Pastoral Center.
Ang pag-iipon ng “mumo” (25 sentimos) ay gawin nating
bahagi sa ating buhay, ito ay panghabang-buhay. Hangga’t tayo ay may pag-ibig sa
puso, patuloy ang ating pagmamalamat sa mga patuloy na nag-iipon at nag-aalay
nito sa misa tuwing Linggo. Salamat din sa mga nagpalaganap ng proyektong ito.
Ito’y isang pagpapalaganap ng Mabuting Balita ni Hesus, "magmahalan kayo, kagaya
ng pagmamahl ko sa inyo.”
Para sa mga may pag-ibig at interesadong makikilahok sa
“maliit, basta’t malimit” na proyektong ito, maging bahagi ng Pondo ng Pinoy
Program. Mag-ipon ng tig-bebentisingko sentimos, (isang kusing na hindi na halos
pinapansin) sa kahit anong bote o
alkansya, lagyan ng label, isulat ang inyong pangalaan at address. Puno man o hindi, ito’y ialay kung kayo ay magsisimba tuwing Linggo, pwede kayong sumabay sa mga
nag-aalay. Ito’y bilang pasasalamat sa Diyos at pananalig sa pamamagitan ng
maliit na ating ginawa, ngunit malaking maitutulong sa kapwa.
Kapag sapat na ang ating naipon, ito’y ating ipagkakatiwala
sa Caritas Caloocan upang ipamahagi sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng
mga programang pangkalusugan, pang-edukasyon, at pang hanap-buhay ay dahil walang
katapusan ang ating pagmamahalan, walang katapusan ang ating pag-aalay at paggawa ng
kabutihan hanggang tayo ay tumungo ng langit kapiling ang Higit na Nagmamahal.
Sr.Thelma B.Arguilles.OND
Grace Park Cross October 10, 2004

Comments
Post a Comment