PAGLALAKBAY PATUNGO SA PAGBABAGO

PAGLALAKBAY PATUNGO SA PAGBABAGO
Inaanyayahan si Abraham na iwanan ang kanyang baying tinubuan, ang kanyang mga kamag-anak at kaibigan upang pumunta sa isang baying hindi niya kilala. Walang mga sasakyan noon na maaring magpagaan ng kanyang paglalakbay,walang  mga TV at radio upang magkaroon siya ng larawan kung anong klaseng lupa ang matatagpuan niya, kung anong klase at paanyaya lamang ng Panginoon naniwala si Abraham at naglakbay.

Dahil sa kanyang pananampalataya at pagtanggap ng paanyaya, natagpuan niya ang isang lupang umaagos ng gatas at putol-putkyutan at nagkaroon siya ng kayamanan at natutupad ang pangako sa kanya na ang kanyang angkan ay magiging kasing dami ng bituin sa langit.

Nang inanyayahan sina Pedro, Andres, Juan at Santiago at iba pang alagad na sumunod kat Jesus at maging mamamalakaya ng mga tao kailangan din iwanan nila ang kanilang mga banka at lambat,mga kamag-anak at kaibiggan upang  sumunod sa isang pamumuhay na kaiba sa kanilang nagisnan. At nang sinabi pa Ni Jesus na siya’y patutungo sa Jerusalem at doon magpapakasakit at papatayin siya parang nawalan sila ng pag-asa. Ngunit sa ating ebanghelyo binasa ngayon bilang pagpapalakas ng kanilang loob ipinakita sa kanila ni Jesus ang likas Niyang katauhan, na siyang magiging kinabukasan nila kung patuloy ang pagsama nila sa Kanya. Dahil din sa pagbabagong-anyo ni Jesus ipinahayag ni Pedro na si Jesus ay ang Mesias, ang Anak ng Diyos.

Fr. Jose D. Ante,OMI
Grace Park Cross February 28,1999

Comments