PAGBABAGONG-LOOB
Sa pagsisikap na maubukas ang kanilang kalooban sa Diyos, kinaugalianna ng mga relihiyosong tao noong kapanahunan ni Hesus ang tatlong gawain ng pagpapabanal—pagdarasal,paglilimos, at pag-aayuno. Tatlong beses silang nagdarasal sa bawat araw: umaga, sa tanghali, at sa gabi. Tunay na pinahahalagahan nila ang paglilimos. At mahigpit na ipinagbibilin ang pag-uuyuno. Ang mga Pariseo ay nag-aayuno nang dalawang buong araw sa isang linggo.
Kaya’t tinanong si Hesus ng mga tao kung bakit hindi nag-aayuno
ang Kanyang mga alagad. Tumugon si Hesus, ”Mag-aayuno ba ang mga panauhin sa
kasalan habang kapiling nila ang lalaking ikakasal? Habang siya’y kapiling
nila,hindi sila makapag-aayuno. ”Hindi ibig sabihin ni Hesus na din a
kailangang mag-ayuno. Ang sabi Niya’y “Ang mga kaibigan ng lalaking ikakasal ay
mag-aayuno, kapag kinuha na siya sa kanila.
Ang tatlong gawaing ito ng relihhiyon ay
napakahalaga. Subalit hindi sapat ang mga ito. Sa totoo lang maaari tayong maligaw
sa pagganap niyo. Kapag nagbibigay tayo sa mga nangangailangan o nagdarasal sa
araw-araw; kapag nagsasakripisyo tayo sa
pagpigil kumain o uminom, napakadali nating mag-isip na mas magaling tayo kaysa
sa mga hindi gumagawa nito. Ano nga ba ang aral ni Hesus?
Sinabi ni Hesus sa Ebanghelyo, "Bagong alak sa bagong
sisidlang balat." Hindi naparito si Hesus upang tagpi-tagpian lamang ang mga
matatandang kaugalian ng mga Hudyo. Naparito si Hesus upang gumawa ng tahasang
pagbabago—mga pagbabagong tatalab sa kaibuturan ng puso ng tao. Naparito Siya
upang ang isang bagong paraan ng pamumuhay. ”Isang bagong utos ang iniiwan ko sa
inyo ang isa’t-isa.”
“Bagong alak, bagong sisidlan ng balat!” Tapat nating
ipagpatuloy ang pagdarasal,paglilimos at pag-aayuno. Subalit ang mga ito’y
paghahanda lamang para sa mas malalim na pagbabago na pinagyarihan ng Diyos sa
ating kalooban. Iyon ang sikapin nating mahilom mapanibago ni Hesus!
Fr.John Seland, SVD
Grace Park Cross March 2, 2003

Comments
Post a Comment