PAG-IBIG NA NAGMAMAHAL SA ATIN

PAG-IBIG NA NAGMAMAHAL SA ATIN

Sa kalendaryo ng Simbahan tinatawag ang araw na ito na Linggo ng Pasyon o Linggo ng Pagpapakasakit. Ito’y dahil sa binabasa ngayon ang Ebanghelyo ng Pagpapakasakit ng Panginoong Jesus. Ito rin ang Linggo ng Palaspas,dahil binabasan ngayon ang mga palaspas na ginamit sa prisisyon na naglalarawan ng matagumpay na pagpasok ni jesus sa Herusalem. At ang Linggong ito ang simula ng mga Mahal na Araw.

Angkop ang salitang Mahal na Araw. May dalawang kahulugan ang salitang “mahal.” Unang kahulugan nito ay mahalaga o mataas ang presyo. Tunay ngang pinakamahalaga ang mga na ito sa buong taon, dahil sa ipinagdiriwang natin ang misteryo ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus. Ayon sa Vaticano II, sa dokumento ukol sa liturhiya, “ginanap ng Panginoong Jesus ang pagliligtas sa sangkatauhan at pagbibigay luwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng misteryo paskwal ng Kanyang pagpapakasakit,pagkamatay at muling pagkabuhay, kung saan sa Kanyang pagkamatay sinira Niya ang kamatayan at sa Kanyang muling pagkabuhay ibinalik Niya   sa atin ang bagong buhay” (SS#5550). Lahat ng   mga araw noong nabubuhay pa ang Panginoong Jesus sa lupa ay mahalaga dahil sa mga araw na iyon naging tao ang Anak ng Diyos. Ang pinalamaliit na kahilingan ni Jesus o pagpapakasakit ay napakahalaga dahil nakaliligtas ng milyon-milyong makasalanan. Subalit naisipan ng Diyos sa Kanyang dakilang pagmamahal at paggabay na iligtas tayo at bigyan ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagpapakasakit,pagkamatay at muling pagkabuhay ni Kristo. Ang mga araw ng pagpapakasaki-kamatayan-muling pagkabuhay ay tunay ngang mahalaga,mga araw na napakahalaga para sa atin.Kaya tumpak ang pangalang “mga Mahal na Araw.”

Subalit may ibang kahulugan din ang salitang “ mahal”. Mahal, nangangahulugang malapit sa ating puso, as in “Mahal na mahal kita.” Sa ganitong kahulugan ay may mas dahilan kung bakit itong Linggong ito ay tinatawag nating mga mahal na araw,dahil ipinakita ng Panginoong Diyos kung gaano Niya tayo kamahal.Wika nga ni San Pablo, ”Ipinamalas ng Diyos ang Kanyang pagmamahal sa atin dahik noong tayo ay makasalanan pa namatay na si Jesus para sa atin” (Rom 5:8)

Ang paglilingkod sa kapwa ay tanda ng pagmamahal.ang pinakadakilang pagpapatotoo ng pag-ibig ay ang magpakasakit at mamatay para sa tao. “Walang mas dakilang pagmamahal mayroon,”sabi ni Jesus,” kaysa ang pag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan”(Jan 15:13). At ang katakataka ay inialay ni Jesus ang Kanyang buhay para sa atin,ayon  kay San Pablo, noong tayo ay mga makasalanan pa. Nagpakasakit at namatay si Jesus para sa ating mga makasalanan.

Ang mga pagbasa at pagdiriwang ng mga mahal na araw ay dapat magbigay ng bagong pansin sa ating sarili.Ikaw at ako, atyong lahat ay mahalaga dahil namatayu si Jesus para sa atin. Ang pagpapakasakit pagkamatay-muling pagkabuhay ni Kristo ay nagbigay ng bagong halaga sa atin. Hindi lang tayo mga tao, mga tao tayong mahal kay Kristo,upang ibinuhos Niya ang Kanyang dugo para sa atin. Sa ilaw ng misteryo paskwal, bawat isa,bawat Pilipino ay “worth dying for” at “living for.” Bawat tao ay mahalaga,mahina man o mahirap o makasalanan dahil sa siya ay isang kapatid na pinag-alayan ni Jesus ng sariling buhay.

Ngayong mga mahal na araw bigyan natin ng pansin lalung-lalo na ang mga nag-iisa,mga nalulumbay.mga walang nag-aalaga, mga nakalimutan na o itaboy ng lipunan.Ipakaita natin sa kanila kung gaano sila kahalaga at kamahal sa atin.Dapat maging mga Mapagmahal na Tao tayo sa mga Mahal na Araw na ito.

Jose Dorotheo Ante, OMI
Grace Park Cross April 8, 2001

Comments