O TUKSO, LAYUAN MO AKO!

O TUKSO, LAYUAN MO AKO!


“O tukso,layuan mo ako!” galing ang linyang ito sa isang sikat na kanta matagal nang panahon ang nakalipas. At sinasabi naman natin tuwing ating dinarasal ang Ama Namin ang ganito: “Huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat nh masama.” Sa panalaging ito ay ipinahahayag natin an gating pagsusumamo sa Diyos na tuwing darating ang mga tukso ay magkaroon tayo ng biyaya upang mapaglabanan at madaig ang mga ito.

Lahat tayo ay nakaranas nang matukso sa buhay at alam na natin ang pakiramdam ng isang taong natutukso. Mahirap ito  lalo na kung ang pinamumulan ng mga ito ay ang mga kahinaan sa buhay. Nariyan palagi ang mga tukso ng kayamanan, kapangyarihan at katanyagan.

Nang tuksuhin ng ahas si Adan at Eba ay nakalimutan nila ang pangangailangan sa Diyos. Inaakala at gusto nilang maging mga Diyos. Huli na nang malaman nila na kailanman ay hindi sila puweding maging Diyos. Gaya nila at gaya natin, tinukso rin si Hesus na talikuran niya ang Diyos. Tinukso siyang gamitin ang kanyang kapangyarihan para sa kanynag sariling kapakanan lamang. Tinukso siyang isugal ang kanyang buhay upang masubukan kung totoo ang salita ng diyos. At tinukso rin siyang makamtan ang lahat ng kapangyarihan sa mundo kung sasambitin niya ang demonyo. Sa lahat ng mga ito ay hindi nakalimutan ni Hesus ang salita ng Diyos. Hindi niya nakalimutan na siya ang tagapaglingkod ng Diyos na isinugo upang ipahayag sa salita at gawa ang kalakaran ng diyos. Pinagtibay ni Hesua sa kanyang pagwawagi sa mga tukso ang kanyang katapatan at buong pagmamahal sa Diyos.

Gaya ni adan at eba ay nakakalimot din tayo sa Diyos. Inaakala natin na kaya natin na kaya ang lahat kahit wala Siya sa ating buhay. Ngunit ang pag-aakalang ito ay nagdudulot saa tin ng ibayong suliranin.

Gaya ng ginawa ni Hesus, kinakailangan nating alalahanin ang salita ng Diyos sa ating buhay. Sariwain at isaloob ang kahulugan ng Salita ng diyos.

Sa pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma,tayo ay inaanyayahan na muling magbalik-loob sa Diyos. Isang pagkakataon ito upang maihanda natin an gating sarili sa pagdiriwang ng alaala ng Paskuwa ni Hesus. Ang alaalang ito ng buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ni Hesus ang magbibigay lakas sa atin upang harapin ang mga magbibigayblakas sa atin upang harapin ang mga pangyayari sa buhay nang may lubusang pananalig at pagmamahal sa Diyos.

Isang makakapagkumbabang karanasan ang pag-amin ng ating pagkakasala, ang pagtanggap nito at ang paghingi ng kapatawaran para sa mga ito. May pananagutan tayong magsumikap paglabanan ang mga tuksong dumarating sa ating buhay. Kung mangyayari man na mahulog tayo sa tukso, mahalaga ang muli nating pagbangon asa ating pagkakadapa at muling ipagpatuloy ang ating paglalakaby tungo sa Diyos.

Kaya ngayong Kuwaresma, ating palalimin an gating pakikipagkaibigan sa Kanya. Ipanalangin natin sa Kanya hindi lamang na malayo tayo sa tukso kundi ang mapalapit din tayo sa Kanya, "O Diyos,ilapit mo ako sa Iyo.”

Grace Park Cross February 21, 1999

Comments