NAKABABAGABAG NA KABALIGTARAN:

NAKABABAGABAG NA KABALIGTARAN:

Ang talinghagang ibinabahagi ng Panginoong Hesus sa Linggong ito ay nakakabalisa. Larawan ito ng mundo sa kasalukuyang panahon. Ang kabaligtaran ng buhay sa pagitan ng mayaman at mahirap. Makikita natin sa paligid ang hindi magkatugmang kasaganaan ng iilan, gayong napakaraming naghihikahos. Walang akusayon sa Ebnaghelyo na ang mayaman ay masamang tao o kaya’y ang kayamanan niya’y galing sa masamang paraan. Hindi! Subalit siya’y napunta sa impiyerno. Ang dahilan ay sapagkat hindi niya tarangkahan ng kanyang bahay. Maliwanag ang mensahe ng Ebanghelyo--- kapag hindi natin tinulugan ang mga mahihirap hindi tayo kaibigan ni Hesus at mapupunta tayo sa impiyerno.

Napakahirap ang hamon ni Hesus. Nguni’t paano natin matutulungan ang mahihirap? Sila ba ang naghiikahos na araw-araw ay nanghihingi ng kaunting limos upang may malaman ang tiyan? O sila ba ang mahihirap na walang maaasahan kundi ang kanilang kapwa? Halimbawa nila’y ang mga matatanda, ang mga maysakit na nakakalat sa langsangan at walng kumakalinga. O mga batang naglipana sa kalye, sapagkat pinababayaan na ng mga magulang. Limusan mo ang isa sa kanila at tiyak na pagkakaluminan ka ng marami pang iba. Di kaya nama’y araw-arawin ka nilang puntahan na tila baga dapat mo rin silang sustentuhan.

Kung minsan nama’y iiyak ang tao at ikukukwento sa iyo  ang kanyang nakalulunos na kalagyan upang iyong kaawaan. Subalit sa huli matutuklasan mong hindi pala totoo ang kanyang kwento at naloko ka lamang. Nagtatalo rin lahat sa aking isipan kaugnay ng turo ng Panginoon na “pakainin mo ang nagugutom” at iba naming aral na nagsasabing “teach them how to fish” o ang pagtulong na hindi mo lang sila bibigyan ng diretsahan, kundi tutulungan mo silang gamitin ang kanilang kakayahan upang mapakain ang kanilang mga sarili.

Marahil ito ang isang mahalagang punto na sa buhay natin at dapat pag-ugnayin. ”Walang sinuman ang mabubuhay para sa sarili lamang,” kaya’t dapat ang ating malasakit sa kapwa sa anumang kaparaanan. Tandaan nating ang kasalanan ng taong mayaman sa Ebanghelyo ay ang “kawalan ng malasakit sa mga tao sa kanyang paligid” Kung minsa'y ito’y tinatawag ng iba na pagiging makasarili o kung sa lenggwahe ng mga nasa showbiz ay “dedma”. Kadalasan ito ang namamayani sa mundo na imbis na malasakit ay kawalan ng pakialam sa kapwa, lalo na sa mahihirap. Ang kasalanan ay hindi lamang yung paggawa ng masama. Kasalanan din ang hindi paggawa ng mabuti na dapat sana nating gawin sa mga pagkakataong dumarating sa atin sa araw-araw.

Ang kasalanang ito ay hindi lamang sumisira sa moralidad ng tao kundi ng lipunan. Tingnan natin ang laki ng agwat ng mayayaman at ng mga mahihirap.Ang ilan ay nagpapasasa sa komportable at malalaking tahanan habang ang marami ay ni wala man lamang mahigaan. Ang mga mahihirap ay naghahalukay ng makakain sa basurahan ngunit ang iba ay sobra-sobra ang nasa hapag at minsa’y nasasayang lamang. Ilang tao ang nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Pilipinas gayong ang higit na nakararami ay walang lupa kahit sa paso man lang. Dama ba natin na sa bawa’t subo natin ng kanin ay libo-libo ang walang makain? Ang langit na ating inaasahan ay nagsisimula dito sa mundo, sa tunay nating pagtulong sa mga nangangailangan!

Padre Romy Marcelino, OMI
Grace Park Cross September 30, 2001

Comments