NAG-UUMAPAW NA PASASALAMAT

NAG-UUMAPAW NA PASASALAMAT

Nitong nakaraang lingo, nabalitaan sa TV ang pagpanaw ni Rio Diaz, isang sikat na beauty queen at TV host. Nakaka-inspire ang napakalalim na pananampalatya sa Diyos na kanyang ipinamalas sa kanyang pamilya at sa lahat. Sinabi niya sa isang interview, noong malala na ang kanyang sakit sa cancer, siya’y taos-pusong nagpapasalamat sa Diyos, hindi lamang dahil na pinahaba niya ng kaunti pa ang kanyang buhay, kundi dahil lubos niyang nakilala ang Panginoon bilang kaibigan at tagapagligtas, at naramdaman niya ang kanyang tunay na kapayapaan at katatagan, sa gitna ng kanyang kahirapan, at nalalapit na pagpanaw. Mapalad si Rio dahil talagang natagpuan niya ang Panginoon.

Sa ating Ebanghelyo ngayon, isinasalaysay na matapos mapagaling ng Panginoon ang sampung ketongin, isa  lamang ang bumalik sa kanya upang magpasalamat at ito ay ang kaisa-isang Samaritano pa. Kaya nga napatanong si Hesus, “nasaan ang siyam na aking napagaling?”  Silang sampu ay pare-parehong pinagaling ng Panginoon, ngunit bukod tanging isa lamang sa kanila ang nabuksan ng kanyang ketong, ay natamo niya ang milagro ng pananampalataya, na makilala niaya na si Hesus ang siyang Tagapagligtas, ang mesias ng Diyos. Kaya nga siya’y nagpatipara , at  sumamba sa kanya at nagpuri. Katulad ni Rio Diaz, naramdaman niya sa kaibuturan ng kanyang puso, na tunay siyang iniibig ng Diyos, at nag-uumapaw ang kanyang biyaya at kabutihan sa kanya.

Lahat tayo araw-araw ay tumatanggap na katakut-takot na biyaya ng Diyos. Patuloy na dumadaloy kagaya ng batis ang kabutihan ng Diyos sa atin. Nguni’t madalas ay binabalewala lang natin, hindi natin binibigyan ng kaukulang halaga. Para tayong mga spoiled children: sobra-sobra na nga ang biyaya ay reklamo ng reklamo pa rin. Minsan kaunting pagsakripisyo ang hinihingi niya sa atin bilang pagtanaw lamang ng utang na loob, ay hindi pa natin maibigay. Madalas  tayo ay nakakalimot, na minsa’y sa oras ng kagipitan, tayo’y iniligtas ng Panginoon.

Ipabukas natin sa Panginoon ang ating ginagawa mga mata at mga puso, upang ating Makita ang mga himala at kabutihan Niyang ginagawa para sa atin sa oras at sa araw-araw. Sa bawa’t kabutihan Niyang ginagawa sa atin, gusto ng Panginoon na laolo pa natin siyang makilala, lalo nating matanto ang kanynag kadahilanan, at walang maliw na Pagmamamhal. Sana, katulad ng Samaritanong ketongin at ni Rio Diaz, mabighani tayo as Kadakilaan ng Diyos, upang ang ating mag puso, labi at ang ating buong katawan ay umapaw ng awit ng pagpasalamat at pagpuri sa kanya. PRAISE THE LORD!!

Fr. Taddy Castillo, OMI
Grace Park Cross October 10, 2004

Comments