MAPALAD ANG MGA GISING AT NAGHIHINTAY
Sino ang mapalad? Ang dadatnang gising? Ako? Ikaw? Tayong lahat. “Mapalad ang mga lingkod na matatagpuang naghihintay sa Panginoon,” ito ang sinasabi ni Hesus. Paano ba tayo naghihintay sa pagdating ng Panginoon? Naghihintay ng biyayang darating mula sa langit,” hulog ng langit “ ika nga, naghihintay ng katuparan sa mga pangarap sa buhay na walang ginagawa o gumagawa ng anumang kabutihan para sa sarili at para sa kapwa habang naghihintay sa Kanyang pagdating.
“Dumarating ang Anak ng Diyos sa oras na hindi natin
inaasahan at mapalad ang mapalad ang maabutan na gising at may mabuting
ginagawa.” Huwag sanag araw ng kamatayan lamang ang ating isipin at matakot sa
paghuhukom kaya tayo gagawa ng kabutihan. Sa isang patalastas sa
radio, tinanong, “ kung malaman mong isang araw na lang ang ipamamalagi mo rito
sa mundo,ano ang gagawin mo? May nagsasabing dadalawin ko ang aking mahal sa
buhay, gagawa ng mabuti at tutulong sa kapwa at sa huli’y sasabihing s’yempre
iinom ako ng masarap na kape – Maxwell coffee, dahil pino-promote ang kapeng
ito. Para bagang kung mamamatay na tayo, doon lang natin gagawin ang mabuti at
s’yempre magpapasarap sa buhay,ganon lang ba yon?
Sinasabi sa atin ni Hesus sa Ebanghelyo ngayong Linggo ang
tungkol sa isang amo na umuwin galing sa kasalan,napakasaya niya kaya’t pinadsilbihan
niya ang kanyang katulong. Kung maraming taon na tayong naglilingkod sa Diyos,
paanong di natin maabot ang isa pang yugtong ito sa buhay espirituwal kung saan
Masaya an gating mga ginagawa at kanyang ipagkaloob sa atin ang biyayang hindi
natin inaasahan. Sa mga munting bagay na ating ginagawa na kasiya-siya sa ating
kapwa, ito’y kasiya-siya rin sa ating Panginoon.
Hindi natin alam kung kalian ang takdanag panahon ng
pagdating ng Panginoon, kaya sinasabi sa atin ni Hesus, kailangan lagi tayong
handa. Paano? Karamihan sa atin ay abala
sa maraming bagay ngunit kailangan ay magbigay tayo ng tamang panahon sa
panalangin kung saan malalaman natin ang kalooban ng Diyos. Ang matatag at
malalim na relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng madalas na pakikinig sa
Kanyang Salita, pagtanggap ng Banal na Komunyon at taimtim na pagdarasal ay magbibigay sa atin ng lakas at tibay ng
pananampalataya kapag inuga ang ating buhay ng mga pagsubok.
Ang hamon sa atin ngayon ay maging gising para humanga,
alamin ang katotohanan, tumulong sa mga nangangailanagn, magalak at masumpungan
ang presensiya ng diyos at ang kanyang mga biyayang tumatanglaw sa ating buhay.
Sr. Thelma B. Arguilles, OND
Grace Park Cross August 8, 2004

Comments
Post a Comment