MANATILING NAKAKABIT AT MAMUNGA NANG SAGANA

MANATILING NAKAKABIT AT MAMUNGA NANG SAGANA

“No one is an island”, isang kasabihan na madalas nating marinig. Totoo naman na hindi boro ang mapag-isa, at lalong hindi madaling gawin ito. Naniniwala ako na kailangan natin bilang tao ang kasam at maging kasama. Tayo ay mga nilalang na nagkakabuklod-buklod dahil sa mga panganagailangan bilang nilikha ng Diyos. Ang bawat isa ay mahalaga at kinakailangan ng iba upang maging maligaya, masagana at makahulugan ang kanyang buhay ng iba.

Saating unang pagbasa (ACTS 9:26-31), isinasalaysay ng may akda na si Lucas, na ang unang pamayanan ay unti-unting lumago, nagkaroon ng katiwasyan sapagkat “ ito’y tumatag at lumago sa tulong ng Espirito Santo”, at sila’y namuhay bilang isang simbahan.

Nasusulat naman sa ikalawang pagbasa (1 jn. 3:18-24), na “ang sumusunod sa mg autos ng Diyos ay mananatili sa Diyos at mananatili naman sa kanya ang Diyos". Ang pagsasabuhay ng utos ng Diyos, na mag-ibigan, ay tanda ng pagkakaugnay ng bawat isa sa kanyang Diyos at sa kanyang kapwa nilalang. Nananatili ito dahil sa “Espiritung ipinagkaloob niya sa atin".

Sa ating ebanghelyo (Jn. 15:1-8), isinasalarawn ni Jesus na siya “ang tunay na puno ng ubas” at tayong tinatawag niya bilang mga alagad ay ‘ang mga sanga. "Ang Diyos ang tagapag-alaga ng ubasan. Sa Diyos nagmumula ang buhay ng ubasan at ang Diyos din ang mangangalaga ng paglago nito. Pinuputulan ng diyos".

Masisilayan ang dami ng bunga ng ubas sa mga sanga nitong nakakabit sa puno – si Jesus. Ang dami ng bunga ay nakasalalay pa rin sa  tagapag-alaga, ang doyos ang manililikha.

Fr. Alberto G. Cahilig,  OMI
Grace Park Cross  May 18, 2003

Comments