MAMUHAY SA KATOTOHANAN

MAMUHAY SA KATOTOHANAN

Mapapansin natin sa maraming pagdiriwang ang kaibahan ng turing sa mga simpleng tao at doon sa itinuturing na VIPs. Kadalasan, ang basehan ay ang kanilang estado o impluwensiya sa buhay pati na ang kanilang yaman. Halimbawa, kung dumating ang isang mahalagang opisyal ng gobyerno sa handaan nagiging kapansin-pansin ang pagiging abala ng nagdiriwang sa pag-aasikaso sa kanya. Ito ay hindi nagaganap kung ang darating ay isang ordinaryong tao lamang. Ang bagay na ito ay may isang napakahalaga implikasyon kung ano ang basehan ng maraming tao sa kahalagahan o pagiging mataas nating tao. Kung minsan hindi ang buti ng pagkatao ang tinitingnan kundi ang posisyon nila at kung ano ang mayroon sila.

Ang ganitong pangyayari din ay naghahayag ng katotohanang marami ang naghahangad na sila ay kilalanin ng kanilang kapwa o bigyan ng karangalan. Mapapansin natin ito sa mga pahayagan araw-araw. Mga larawan ng taong tumutulong o nagkakawang-gawa ang makikita natin. Hindi ba tayo makagagawa ng mabuti na din a kailangan magpalitrato pa? Maging sa simbahan ay ganyan din ang nangyayari. May mga taong dagling nagtatampo at nanlalamig na sa paglilingkod kung hindi sila mabibigyan ng sapat a pansin o pagkilala.

Itinuturo sa atin ng Ebanghelyo ngayong Linggo ang pagiging mapagkumbaba. Sa kuwento ngayon na naganap sa isang handan, sabi ng Panginoon ay huwag mong pipiliin at tanging upuan. Baka may inaanyayahang lalong tanyag kaysa iyo. At lalapit ang nag-anyaya sa intong dalawa at sasabihin sa iyo, “Maari bang ibigay ninyo ang upuang iyan aa taong ito? Sa gayo’y mapapahiya ka at doon malalagay sa pinakaabang upuan.” Kung minsan ang ganitong pahayag ay ipinapakahuluagn ng literal. Kaya nga sa mga pagtitipon, halimbawa ay sa simbahan, bibihira ang mga umuupo sa harapan.

Ang upuan ay ginagamit na bagay sa pagluluklok. Ito marahil ang higit na makatulong sa atin upang maunawan ang kaugnayan ng upuan sa kababaang loob.Ano ba ang pagtingin natin sa ating sarili? Iniluluklok ba natin ang ating pagkatao sa pinakamataas na pedestal o tayo ay nakaupo sa patag na upuan. Kung magkakagayon, magiging makahulugan ang ating pag-unawa sa mensahe ng ating pagbasa ngayong Linggo.

Ang kababang-loob ba ay yung pag-alipusta sa ating sarili? Ito ba ay pagmamaliit sa sarili? Ang kababaang-loob ay yung pamumuhay sa katotohanan. Ito ay ang pagtanggap sa ating mabubuting katangian kasama rin an gating kahinaan.kaugnay niti ang isa ring tapat na pakikitungo sa ibang tao kung sino sila. Tinatanggap ang kanilang kabutihan at nagpapaumanhin sa kanilang mga kakulangan. Ang tunay na pagkilala na tayo ay may mga kahinaan ay tumutulong sa ating mas maunawaan ang kakulangan ng iba. Inilalagay natin ang ating sarili sa puwesto ng ating kapwa at binibigyan natin sila ng higit na pasensiya katulad ng ating sarili. Kaya nga kung ano ang ginagawa natin sa kanila sa kanila ay siya rin nating ginagawa sa ating sarili.

Ang kababaang loob ay pamumuhay katulad ni Kristo. "Matuto kayo sa akin, akong maamo at mababang-loob” (Mt.11:29) “Pumarito ang anak ng tai hindi upanng paglingkuran kundi upang maglingkod. (Mk. 10:45) Ang sentro ng buhay ng Panginoon ay hindi ang kanyang sarili kundi ang iba, ang kanyang minamahal. Kaya nga gugulin natin ang ating mga kakayahan at ari-arian hindi lang para sa ating pansariling kaluwalhatian kundi para sa kapakanan ng ating kapwa. Sa pinakailalim na kahulugan ang kababaang loob ay ang paglimot sa sarili. Hindi ba’t dinarakila ang mga taong nag-aalay ng sarili para sa iba?

Fr. Romeo Marcelino, OMI
Grace Park Cross  September 2, 2001

Comments