MALING GAMIT NG KAYAMANAN

MALING GAMIT NG KAYAMANAN

Sa aklat ng Genesis, sinabi ng Diyos kay Adan at Eba, “Maging mabunga kayo at magparami, punuin ninyo ang lupa at kayo ang makapangyarihan rito…. Sa mga isda sa dagat at sa mga ibon ang lupa at kayo ang makapangyayari rito….sa mga isada sa dagat at sa mga ibon sa langit, at sa bawat buhay na hayop na gumagalaw sa lupa”. (Gen 1:28). Si Adan at si Eba sa aklat ng Genesis ay naninindigan para sa lahat ng tao.Ibinigay sa kanila ng Panginoon ang lahat ng bagay, "ang lahat ng halaman sa balat ng lupa"  para sa kanilang pagkain (Gen 1:29) ibinigay ito hindi lamang para sa dalawang taong si Adan at Eba kundi para sa lahat ng tao. May sapat na halaman at prutas, hayop at ibon para sa pagkain ng lahat. Naglaan nag Diyos para sa lahat at para sa lahat ng panganagilangan.

Binigyan ng kapangyarihan si  Adan at si Eba, ang sinumang tao upang maparami ang mga halaman mag isda sa dagat at lawa, ang mga ibon at hayop sa balat ng lupa. Ibinigay ng Panginoong Diyos ang kapangyarihan at lahat ng bagay sa mundo para sa tao, para tugunan ang kanyang mga pangangailangan. Subalit hindi lamang para sa pangangailangan ng ilan kundi para sa lahat ng tao. Dapat lahat ng tao ay makinabang sa kayamanan ng daigdig.

Kaya sa sulat ni Santiago, hinatulan ang mga mayaman dahil sa kanilang katakawan at hindi pagbabahagi ng mga kayamanan nila. Nabubulok ang pagkain at  kinakain ng tanga ang damit at kinakalawang ang ginto at pilak samantalang nagugutom at namamatay ang iba dahil sa walang pagkain at damit. Ito ay using kasalanang sumisigaw sa langit.

Hindi lang iyon ang idinadaing ni Santiago. Yumaman ang mga taong ito dahil hindi binayaran ang upa ng mga gumapas sa kanilnag bukud at inapi ang mga mang-aani. Mali na ang pinanggalingan ng kayamanan, mali pa rin ang ginagawa sa kayamanan. Hindi nakakatulong sa kapwa kundi nabubulok at nasisira lamang na walang pakinabang.

Ang kalagayan sa kapanahunan ni Santiago ay umiiral pa rin ngayon. Maraming mga tao sa “first world” at dito rin sa atin na tinatawag na "third world” na mayroong tatlo o apat na mararangyang bahay samantalang maraming mga mahirap ang wala man lamang bubuong na masisilungan at nakatira sa basurahan. Maraming mga taong  gumagastos ng milyon-milyong piso para sa kasal o "debut" ng kanilang anak samantalang milyon-milyong mga bata ang namamatay sa gutom. Maraming mga taong hindi alam kung aling damit ang isusuot dahil sa karamihan ng damit na maluho samantalang maraming dukha ang wala man lang maisusuot dahil sa karamihan ng damit na maluho samantalang taong bumibili at gumagamit ng mga sasakyang maluho at humihigop ng gasoline samantalang maraming iba naman ang walang masakyan.

Dumating si Hesus,namatay at muling nabuhay upang baguhin ang kalagayan ng tao, upang maibalik ang pangunahing layunin ng lahatng bagay at kayamanan. Tayo ba ay kasama sa pagbabagong ito?

Fr.Jose D. Ante, OMI
Grace Park Cross October 1, 2000

Comments