MAKINIG SA KANYA!

MAKINIG SA KANYA!

Makaraang pingsabihan ni Hesus si Pedro dahil sa inasal nito tungkol sa darating na pagpapakasakit, paghihirap at pagkamatay ng Anak ng Tao, dinala Niya ang tatlo sa Kanyang mg alagad upang manalangin sa bundok. Habang sila ay nagdarasal ay nagbago ang anyo ni Hesus at nakita nila Siyang nakikipag-usap kina Moises at Elias, mga pangunahing tauhan sa Lumang Tipan at dahil sa hindi malaman ang gagawin ay nagsalita nang nagsalita si Pedro. “Guro,mabuti pa’y dumito na tayo. Gagawa po kami ng mga kubol, isa para sa inyo, isa kay Moises at isa kay Elias.”

Sa ating pagdarasal sa Diyos, madalas ay tayo ang nagsasalita. Kung ano ang gusto natin ay siya laman ng ating sinasabi sa Kanya. Kung ano ang nararamdaman natin ay siyang ipanababatid o di kaya ay sinusumbong sa Kanya. Kulang na lang na gawin natin. Siyang isang utusan o tagsunod sa sapagkat nangyayaring kapag hindi natin nakamit an gating hinihiling ay nawawalan tayo ng gana sa Kanya. Natatapos ang panalangin sa pagtatapos ng ating mga sinabi. Sinabi ng Kanyang Ama kina Pedro: “Ito ang aking Anak, ang aking Hinirang. Siya ang inyong pakinggan.

Ang lahat ng pangayayari sa ting buhay kailanman ay hindi nakakalampas sa kaalaman ni Hesus. Sa bawat mga pangyayaring ito, Siya ay nagsasalita. Itinuro kung ano ang dapat nating gawin subalit dahil sa dami ng ating ginagawa at sa dami ng ating alalahanin ay di ito nabibigyang pansin. At sa panahong tayo ay nakikipag-usap sa Kanya siya ay tagapakinig lamang. Hindi Siya napapakinggan…"Siya ay inyong pakinggan.”

Ang isang problema na ating isinusumbong o ihinihingi ng kalutasan sa Kanya hindi maalis ng ating pananlangin. Ang magagawa ng panalangin ay papagpanibaguhin ang ating pananawa sa problema, papaglinawin ang ating pag-iisip upang maunawaan ito ng maayos palakasin an gating loob, palambutin ang puso ng mga taong may dulot ng suliranin sa atin.

Bago umakyat sina Pedro sa bundok upang manalangin ay di nila matanggap ang hirap na daranasin ni Hesus. Subalit makaraang sila ay manalangin ay naging handa na sila sa pagsapit nito. Ang panalangin ay di makapagbabago ng mga bagay o pangyayari. Ang pinababago nito ay ang tao na siyang magpapabago sa mga bagay o pangyayari.

Sa ating pagdarasal nawa ay marinig natin si Hesus. Ano ba ang dapat nating ipagbago lalo na sa panahonh ito ng kuaresma? Marami tayong nakikita sa ating paligid. Marami tayong napapansin sa ating kapwa. Nakikita pa rin ba natin ang ating sarili? Napapansin ba natin an gating mga pagkukulang? Sa anong aspeto pa ban g buhay tayo kailangan pang umunlad? Makinig tayo kay Hesus at Siya ay nagsasalita.

Fr. Gerry Gamaliel S. delos Reyes, OMI
Grace Park Cross March 8, 1998

Comments