Magpakatatag
Nitong nakaraang mga buwan lalong umiinit ang mga kontrobersiya sa ating bayan. May nabalitaan tayong mga taong namamatay dahil sa pagkain ng pagkaing galing sa basurahan. May isang pamilya naman na namatay sa sunog. Honostage na naman ang mga Pilipino sa middle east. Napaka grave ng corruption sa Armed Forces. Walang hinto ang mga protesta ng mga drivers, manggagawa, at iba-ibang grupo dahil sa pagtaas ng halaga ng gasoline, ng kuryente, mga bilihin, dahil sa matinding financial crisis. Ating naitatanong: saan kaya lahat hahantong ang mga ito? Para bagang nakaupo tayo sa isang bulkan na malapit nang sumabog.
Ang ating sitwasyon po ngayon ay nahahallintulad sa mag
inilalarawan sa mga pagbasa ngayon. An gating ebanghelyo ay punong-puno ng
kahindik-hindik na larawan: “magkaroon ng malakas na lindol, magkakagutom at
magkakasalot sa iba’t ibang dako. May lilitaw na mga kakilabot-kilabot na mga
bagay at mga kagilas-gilas na tanda buhat sa langit.” Sa kalagitnaan ng ating
krisis, pakay ba ng ating ebanghilyo na dagdagan pa ang ating takot at pangamba
sa pamamagitan ng mga larawang ito?
Noong isinusulat ni San Lucas ang Ebanghelyong ito, ang mga
Kristiyano noon ay dumaranas ng pag-uusig, at matinding krisis.Gusto niya lang
ipahayag sa kanila, at sa atin na rin, na ang Kristoyano ay dapat maging handa
sa pagharap sa ibat-ibang uri ng pagsubok, at kahirapan na maaring manggaling
mismo sa kanyang sariling pamilya at kaibigan.
Sa kalagitnaan ng lahat ng ito, ang mensahe ni San Lucas ay:
“Ipanatag ninyo ang inyong kalooban,huwag kayong mababalisa tungkol sa
pagtatanggol sa inyong sarili…. Hindi mawawala ni walang hanggan.” Ang disipulo
ni Hesus ay kailangan magpakatatag at hindi sumuko, sapagka’t ang Panginoon ang
kanyang Sandigan at kanayang Lakas.
Ang panahon natin ngayon ay hindi mga ordinary at maalwang
panahon. Maituturing natin itong isang panahon ng pagsubok. Kaya nga ang bawa’t
isa sa ating mga Kristiyano ay dapat making sa panawagan ng Ebanghelyo na
manindigan para kay Kristo at hindi sumuko sa mga hamon ng panahon.
Fr. Taddy Castillo, OMI
Grace Park Cross November 14, 2004

Comments
Post a Comment