Magandang Salita Isabuhay Natin
Hinding-hindi mawala sa isip ko ang isang kwento tungkol sa isang namatay na napunta sa langit. Sa pagtangggap sa kanya doon, inilibot muna siya ni san Pedro sa mga silid na naroon. Namangha siya nang mapadako sila sa isang kwarto na puno ng mga dila kung kaya’t naitanong niya, “ ano po ang ibig sabihin nito?" Iyang ang mga dila ng mga taong mahusay sa salita ng mabuti subalit hindi isinasagawa ang kanilang sinasabi” tugon ni San Pedro.
Napakaraming
kabutihan ang nananatili sa bibig lamang. Maraming mabubuting salita ang
paulit-ulit sinasambit subalit hindi naipapahayag sa gawa. Dito pa lamang sa
ating parokya, napakaraming nagaganap na seminars, mga pag-aaral tungkol sa
Diyos. Subalit kadalasan,s a daan-daang nakatapos ng nga ito, taliwas ang asal at
gawaing makikita sa kanila. Ano nga ba ang saysay ng mga ito? Ang tumanggap ng "certificate” upang ipakita na tayo miyembro ng grupong ito? Ang masabing tayo
ay mabuti dahil kaanib tayo ng orginisasyong ito?
Sa Ebanghelyo ngayong Linggo, pinangangaralan ng Panginoon
ang mga Pariseo at Eskriba sa kabababwan ng kanilang kabutihan. Panlabas lamang
anng kanilang pinahahalagahan. Angmakita silang mabuti sa itsura, sa anyo. Hindi
nila tunay na isinasabuhay ang magagandang salita itinuturo sa kanila.Ang
pagiging pinuno nila ay ginagmit lamang nila sa pansariling kabutihan at di
para sa kapakanan ng kanilang kapwa.
Ito ay simpliing hamon sa ating lahat na di lang ang dila
ang pagsikapang makarating sa langit. Ang ibig sabihin ay gawin natin ang
magagandang adhikain natin. Ipahayag natin ang pagmamahal sa gawa. Paakyatin natin an gating mga kamay
sa langit sa pamamagitan ng pagtulong sa mga nangangailangan; ang ating mga paa
sa pakikiisa natin sa kapwa nating nalulumbay at naliligaw; ang buo nating
buhay sa tunay na pagkalinga natin sa bawat isa. Binigyang natiin ang bawat
salitang nnamumutawi sa ating bibig tulad ng Panginoong Hesukristo na “Salitang nagkatawang – tao".
Fr. Romeo C. Marcelino , OMI
Grace Park Cross November 3, 2002

Comments
Post a Comment