KRISTO HESUS HARI NATIN, SA PAG-BIG NAMUMUNO SA ATIN

KRISTO HESUS HARI NATIN, SA PAG-BIG NAMUMUNO SA ATIN

Ang kapistahan ni Kristong hari ay ang huling araw ng Linggo sa pangliturhiyang kalemdaryo ng Simbahan. Sa susunod na Linggo, November 28, ipagdiriwang na natin ang Unang Linggo ng Adbiyento. Sisimulan na naman nating pagnilayan at gawaing mabunga sa ating buhay ang buhay at aral ni Kristo, mula sa Kanyang unang pagdating bilang ating Mesiyas,hanggang sa Kanyang Pagbabalik bilang Haring Hukom ng lahat ng tao.

"Naghahari na angDiyos sa puso ng mga nananalig sa kanya,” turo ni Hesus. Ang panglabas na padsunod sa mga aral at batas ng Diyos ay nakaugat sa pagbabago ng kalooban tungkol sa buhay, sa panghihirap bilang pagsubok att sa kamatayan bilang daan tungo sa buhay na walang hanggan.

Ito ang nagiging biyaya ng Diyos sa puso ng criminal na kasama ni Hesus na ipinako sa Krus. Sa krus ay naunawaan niyang si Hesus ay isa ngang Hari, ngunit di sa mundong ito lamang. At hindi upang lumupig at sumiil sa pinaghaharian.

Ang paghahari ni Hesus ay mula sa pagibig.Sa pag-ibig tinupad ni Hesus ang kalooban na Ama. Ang pag-ibig Niya sa Ama ay humantong sa kamatayan sa Krus. Kaya’t iginawad sa Kanya ng Ama ang kapangyarihan ng Muling Pagkabuhay!

At dahil sa pagibig ni Hesus sa atin hinangad Niyang pamunuan tayo tungo sa kalayaan at gingawang dulot ng ating muling pagkabuhay sa Kanya.

Ang lahat ng pamumuno sa mundong ito ay pakikibahagi sa pagkahari ni Hesus. Ito’y mula sa pagibig na, sa totoo lang, ay paghahandog, hindi pagkakamali. Ang hangad ng namumuno ay ang “muling pagkabuhay” ng pinamumunuan!

Fr.Ben Gomez, OMI
Grace Park Cross November 21, 2001

Comments