KAYA BA NATIN ‘TO?
“Kung talagang mahal mo ‘ko handa ka bang para sa akin? Hamon ni babae sa kasintahan. Malalim na nag-isip ang napasubong lalaki. Eh.. hindi nga yata, eh “O, kita muna! Hindi nga tuinay ang iiyong pagmamahal! Sabay hagulgol ni babae. “Pero, honey, mabilis na palusot ni lalaki, ”kasi walang kamatayan ang pag-ibig ko sa’yo!
Di na natin kailangan magpalusot pa sa Diyos. Maliwanag sa
atin kung gaano Niya tayo kamahal, sa pamamagitan ni Hesus…hanggang kamatayan!
Tayo na lang ang Malabo. Tayo na lang ang hinihintay Niyang magpahayag ng tugon
pagmamahal sa Kanya. It’s our ball, ika nga. Sa totoo, nasa atin ang lahat ng
advantage. Dama natin ang Kanyang patong-patong na pagpapala: buhay, kakayahan,kagalingan,patawad sa kasalanan,maayos na pamumuhay ,tunay na
kalayaan. Maliit man o malaki, ngayon man o sa sarili Niyang panahon,alam nating
ang biyaya ng Diyos sa atin ay “isang saganang takal, siksik, lilglig, at
umaapaw”(Lk 6:38).
Pati na na nga ang bunga ng ating pag-ibig at katapatan sa
Diyos ay higit na para sa ating kapakanan kaysa sa kapakanan ng Diyos. Tapat
man tayo sa Kanya o hindi , patuloy na umiiral ang Kaluwalhatian ng Diyos. Pero
kapag tayo ang hindi tapat na umiibig sa Diyos,hindi tayo makapanatili sa
Kanya.Binilinan tayo nni Hesus, “Ang
namamalagi sa Akin at Ako sa kanya ,siya ang namumunga nang sagana,pagkat
hiwalay tayo sa Aki’y di kayo makagagawa ng anuman” (Juan 15:5) Maliwanag at
tiyak ang hangarin ng Diyos sa atin,na sa pakikipagkaisa natin kay Hesus ay
“mumunga kayo ng sagana,” “mapasainyo ang Aking kagalakan at maging ganap ang
inyong kaganapan! “ Ganito kaliwanag ang pag-ibig ng Amang Diyos sa atin na
ipinahayag Niya sa pamamagitan ni Kristo!
Kaya nga’t tamang-tama ang mga paalala at inspirasyon ng
Salita ng Diyos na ipinahahayag sa Eyukaristiya ngayong Linggo. Hindi pananakot
at pagbabanta ang nasa Puso ni Hesus sa mga salitang “Sumunod ka sa Akin!” at
Ang naghahawaj ng araro at palingun-lingun pa sa likuran ay hindi
karapatdapat sa paghahari ng Diyos”(Lukas 9). Ito’y matinding pagmamalasakit
na malagay tayo sa tama at ligtas na landas…ang tanging landas na
makapagbibigay sa atin ng tunay na kagalakan at pamumunga ng sagana sa buhay na
ito hanggang sa buhay na wala nang katapusan.
Bilib tayo sa mga tulad ng mgakapatid na Apostol Pedro at
Andres—nang tinawag sila ni Hesus,” Agad nilang iniwan ang kanilang mga lambat
at nagsimulang sumunod sa Kanya” (Mateo 4:20). Bilib tayo kay propetang Eliseo
sa unang pagbasa –nang tawagin siya ng Diyos sa paglilingkod, ginawa niyang
gatong ang kanyang mga kagamitan sa pagsasaka at inihaw ang mga bakang
panghanapbuhay at ipinakain sa kanyang mga trabahante upang maging Malaya
siyang makasunod kay pripeta Elias (1 Mga Hari 19:21).
Hangarin tayo sa Panginoong Hesus. Tiyak Niya ang Kanyang
adhikain---ang karangalan ng Ama at ang pagpapalaya sa atin mula sa
pagka-alipin sa kasamaan. Tiyak Niya ang Kanyang pagdaraanan–pag-alipusta, paghihirap, at pagbitay sa Krus sa Herusalem. Ang tugon ng Kanyang
pag-ibig sa Ama at sa atin ay “tahasang ipinasaya ni Hesus na pumunta na sa
Herusalem! (Lk 9:51)
Sabi ng iba, ”Inspiration is Perspiration! Ang ganda ng
inspiration at encouragement sa atin ng
Banal na Espirito,pero tila pinagpapawisan at nagkakasingaw tayo kapag
iniisip natin kung magagawa ba natin ito. Ang tugon ni San Pablo sa ikalawang
pagbasa: :Pinalaya na tayo ni Kristo..kaya magpakatatag kayo! (Gal 4:1)
“Lumakad kayo sa Espirito!...huwag ninyong pagbigyan ang pita ng laman” (Gal
4:16) Isa-isa na nating iwanan an gating mga “Bangka” at mga “lambat” upang
tayo’y lumaya na mula sa bigat ng pagkamakasarili, mamunga ng sagana, at maging
ganap sa buhay na may kagalakan. Remember—the glory of God is a person fully
alive!
Grace Park Cross July 1,2001

Comments
Post a Comment