ITAY, HINDI KITA MAKITA!


ITAY, HINDI KITA MAKITA!


Isang kwento. Napakadilim noon habang nangangalit ang malakas na bagyo.Sa ingay ng humahagunot na hangin at ulan ay dinig ang iyak at sigaw ng isang batang lalaki. Nasa bintana siya ng isang bahay na itinutumba na ng unos. Sa maunos na kadiliman ay dinig din ang hiyaw ng kanyang ama, “Talon na anak. Sasaluhin kita! ”Itay, nasaan ka? Hindi kita Makita! tugon ng anak. ”Anak, nakikita kita. Talon na! Sa lubis na pananalig sa ama ay pikt-matang lumundag ang bata na agad naming kinupkop ng matitipunong bisig ng kanyang ama.

Tiyak may pintig sa ating damdamin ang kwentong ito. Ilang beses na rin tayong naglagay sa sitwasyong ang tanging hinaing natin ay “Diyos ko, nariyan Ka pa ba? Ama, hindi Kita Makita! Ito ang mismong hinaing ng Propetang Habakuk, “Panginoon, hanggang kalian ako darating sa Iyo at hindi Mo ako pakikinggan? Kabi-kabila ang pagwasak at karahasan. Bakit pawing kasamaan at kahirapan ang ipinakikita Mo sa akin? (Hab.1:2-3) Sa tindi ng damdaming dulot ng patuloy na karahasan at pagsasamantala ng mga mayayaman at malalakas at patuloy na hirap at sakit ng mga maralita at mahihina ay tila inuusig na ng propeta ang Diyos! ‘Nasaan ka ba, Panginoon?”

Tayo man maraming naghahalong tanong sa Diyos. ”Bakit naghihirap ang mga taong lubos na nagtitiwala sa Inyo at masigasig na sumusunod sa Inyong kalooban? Bakit Ninyo pinababayaang lumaganap ang karahasan at pagsasamantala ng mga taong walang kunsiyensiya? Bakit Ninyo pinababayaang mapinsala ng mga sakit,kalamidad,at digmaan ang mga inisenteng bata? Bakit abut-abot ang problema ng mga tapat sa Inyo? Pansinin  natin ito rin ang mga katanungan ni Propeta Habakuk ukol sa kanyang kapanahunan. At ano ang tugon ni Yahweh?

Tinitiyak ng Diyos sa Proprta na ang katarungan Niya’y magaganap, kung ito'y ma’y nababalam: “Masdan mo, ang hambog ay mabibigo sa kanyang kapalaluan. Ang matuwid ay mabubuhay sa kanynag kapatan. ”(Hab. 2:4) Ang hinihiling at inaasahan ng Diyos sa atin ay BUHAY NA PANANALIG.Ngunit ito’y pambirirang pananalig. Ang hinihiling sa atin ng Diyos ay pananampalatayang tulad ng sa bata sa kwento. May mga pagkakataong “dilim” at “unos” na lamang an gating nararamdaman. Doon,sa gitna ng mga salungat na hangin at bugso ng ulan natin naidaraing sa Diyos, ”Nasaan Ka, Panginoon? Hindi na Kita Makita! Ang tugon ng Amang Diyos ay “Nakikita kita, anak. Manalig ka”.

Ipinakikita sa Ebanghelyo na naranasan din ng mga Apostol ang ganitong pagkakataon sa kanilang pagsunod kay Kristo. Nang dumating na ang marahas na pagsalungat ng mga Pariseo at Eskriba sa  Mabuting Balita ay nakaramdam sila ng matinding pagkabigo at takot. Ngunit sa halip na magpadala sa negaatibong damdamin, nagsilapit sila kay Hesus at hummiling “Panginoon, dagdagan po Ninyo ang aming pananalig sa Diyos! (Lukas 17:5).

Ang pananalig o pagsampalataya ay isang makapangyarihang handog ng Diyos. Umuunlad ito at nagkakabunga, hindi sa pag-iisip at kalooban lamang kundi sa kongkretong pamumuhay. Nakikita ito at nakalulugod sa Diyos sa panahon ng ligaya at kapanatagan. Ngunit ang pananampalataya ay higit na nakalulugod sa Diyos at nakaliligtas sa atin sa panahon ng pagsubok. ”Ang matuwid ay mabubuhay sa kanyang katapatan! Amen.

Grace Park Cross October 7,2001

Comments