Igalang at Alagaan ang Buhay
Ang pagsilang ng isang sanggol ay palatandaan na patuloy pa ring iikot ang mundo. Ang sabi nga ni Carl Sandburg, “A baby is God’s opinion that world should go on.” Isang napakandang karanasan ang mabigyan ng anak. May gaganda pa ba isang buhay na handog ng Diyos, na ipinagkakatiwala niya sa pag-aaruga at pagmamahal ng kanyang mga magulang? Ngunit sa pagbibigay niya ng piling handog na ito, iniaatas niyang tanggapin din ng magulang ang kaakibat nitong mabuhay, turuan ng masusing pagkilala sa tama at mali at kasihan ng pagmamahal, pagmamahal na unti-unting mag-uugat at uusbong sa mura niyang puso at isipan upang lumiksi siyang may paggalang at pagmamahal sa Diyos, may sariling sikap at paninindigan may tunay na malasakit sa iba, may malawak na pananaw sa buhay at malalim na pang-unawa sa kanyang kapwa.
Paano na ang mga sanggol na din a nabigyan pa ng
pagkakataong makakita ng liwanag? Paano na sila na pilit na inalisan ng
karapatang mabuhay? Paano na sila na din na nakatikim ng pagmamahal ng magulang?
Bakit may mga inang dahil sa pag-iwas sa pananagutan at kahihiyan ay walang
pakundangang pinapatay ang sanggol sa kanilang sinapupunan.
Nakalulungkot aminin ngunit totoo na kayraming mga sanggol
ang kinikitlan ng buhay araw-araw sa nakalulunos na pamamaraan ng “ABOTION”
Iikot pa ba niyan ang mundo?
Ang buhay ng tao ay
banal sapagkat ito’y nagmula sa Diyos at tanging Diyos lamang ang may
kapangyarihan bawiin ito.
“HUWAG KANG PUMATAY” Ito nagmula sa Diyos Nararapt lamang
nating igalang at pangalagaan ang buhay.

Comments
Post a Comment