“HINDI AKO NAWALAN, AKO AY NAGBIGAY”
Umuugong ngayon ang mga balita-tungkol sa giyera sa Iraq. Sa aking palagay ang giyerang ito ay isang malungkot na yugto ng kasaysayan ng tao. Sana po ay ipagdasal natin ang kapayapan sa mundo lalung-lalo na sa Iraq at maging dito sa ating bansa, particular nasa Mindanao.
Noong Ikalawang Didmaang Pandaigdig, may isang organisasyon ang bumisita sa isang military hospital. Layunin ng grupong ito na mapasaya ang mga sundalong sugatan. Habang umiikot sa ospital, isang masayahing babae ang nagtanong sa isang sundalong nasugatan sa isang maigting na labanan. Tanong ng babae, “sa anong lugar ng sagupaan nawala ang iyong kanang kamay? ”Sagot ng sundalo. ”Hindi nawala ang aking kamay, kundi iyon ang aking ibinigay.”
Nasa ika-limang linggo na po tayo ng kuwaresma. Sa ating Ebanghelyo, sinasabi ng Panginoong Hesus na "malibang mahulog sa kupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-iisa.”
Ang ating buhay Kristiyano ay isang buhay na humahamon sa atin na ihandog ang sarili para sa iba. Ang ating Panginoon mismo ang nagpamalas nito sa atin. Inihandog niya ang kanyang buhay at nakiisa sa atin upang ituro ang daan patungo sa ating kaligtasan.Ibiniwis niya ang kanyang buhay upang tayo ay mailigtas sa kawalang-pag-asa at lagim ng kasalanan.
Tayo po ay hinahamon nng ating Mahal na Poon na siya ay tularan.
Magdamayan tayo at magtulungan. Kapag ito ay ating nagawa, magtatanto natin na higit na mapaunlad ang magbigay kaysa tumanggap. Madarama rin at maipadarama sa iba ang walang-sawang pagkalinga at pagmamahal ng Diyos sa atin paglalaan ng oras, talino, at kayamanan sa iba, masasabi rin natin na tayo ay hindi nawalan. Sa halip, tulad ng sundalo sa ating kapwa ay lumago sa buhay pananmpalataya at masaya nating kasama sa pamayanan nagkakaisa.

Rev. Jay Virador, OMI
Grace Park Cross APRIL 6, 2003

Comments
Post a Comment