HESUS NA AKING KAPATID!
Ang lahat ng bagay tungkol kay Juan Bautista sa simula’t-simula pa ay nagpapakiyang siya’y nakatakdang maging magiting. Una, ang kanyang mga magulang ay matanda na, ang pagkkapanganak sa kanya ay ipinahayag ng isang angel, ang kanyang pangalan ay nagmula sa Diyos. Nang siya’y nanatili sa disyerto ang kanyang pananamit ay nagpapa-alala kay Propetang Elias. Ang mismong pangalan niyang galing sa wikang Hebreong “Yohanan" ay nangangahulugang “handog ng Diyos” o “ang Diyos ay mapagpala.” Subalit hindi na tayo kailangang tawagin pang Juan upang matamto na an gating sarili ay handog na galing sa Diyos.
Ang kapistahang ng pagkapanganak kay Juan ay nagpapa-alala
sa atin kung sino tayo sa mata ng Diyos. Katulad
ng sabi ni Propeta Isaias, “Pinili na ako ng Panginoon bago pa ako
isilang.” Ito’y ay nagpapakita ng pagtatangi ng Diyos sa Kanyang nilalang. Kaya
nga ditto na Siyang humirang sa atin.
Ang bawat tao ay nilikha ng Diyos,kaya siya’y hinihirang ng
Diyos para sa Kanyang layunin.Ito ay napapaloob sa katotohanang tayo’y kasama sa misyon ni
kristo. Hindi ba sinasabi rin sa atin na sa pamamagitan n gating Binyag tayo
aynakikibahagi sa pagkahari, pagkapropeta, pagkapari ni Kristo? Sa kabuuan
nito,tulad ni Juan Bautista, an gating misyon ay ipahayag o pakilala si Kristo
sa lahat ng tao,anuman an gating uri ng pamumuhay.Wika n gang isang awitin sa
simbahan,”Hesus na aking kapatid, sa bukid Ka nagtatanim at sa palengke rin
naman, Ikaw ay naghahanapbuhay! “Sila ay makapagpapahayag ng pananatili ng
Diyos sa kanilang kapwa, sa pamamagitan ng isang mailinis at matuwid na
pamumuhay.
Ngunit tayo’y mga taong mahihina at minsa’y nabibigo sa
kabilanng ating pagsisikap sa abot ng ating makakaya. Dito naman tayo hinahamon
na “ipagkatiwala sa Panginoon an gating kalagayan “upang tayo’y gantimpalaan sa
ating nakayanan. Ang pananampalataya ay maipapahayag natiin sa pagkilala na ang
Diyos ang humirang sa atin. Siya rin ang pumili sa atin upang Siya’y
paglingkuran.Dahil dito ay hindi tayo iniiwan ng Diyos sa ating mga
kabiguan. Ang Kanyang mapagpalang Kamay ay patuloy na nagpapala sa ating mga
nakayanan .
Hindi ba natin naitatanong sa ating sarili kung paano tayo
nakagagawa ng mga kahanga-hangang bagay kung hindi anng biyaya ng Diyos ay
sumasaatin? Kung ito ay maisasaisip at maisasapuso natin, matatanto nating ang
lahat ay mula sa Diyos at para sa Diyos.
Padre Romy Marcelino ,OMI
Grace Park Cross June 24, 2001

Comments
Post a Comment