HANAPIN ANG TINAPAY NA NAGMULA SA LANGIT
Nagpatuloy ang pagtuturo ng ating Ebangelyo tungkol kay Hesus bilang pagkaing nagbibihay-buhay. Hindi lang basta buhay ang idinulot Niya, kundi buhay na walang hanggang. Isang malalim ang mga kagutuman hindi lang m hating katawan kundi n gating mga kaluluwa.Higit rin sa pagkain ng ating tiyan ang tinutukoy ni Hesus sa atin kaya nga ang tanong Niya sa mga tao ay: “hinahanap ba ninyo ako dahil kayo ay nabusog sa tinapay na pinarami ko.? “Hanapin ninyo ang tinapay na nagmula sa langit.
Ang pagkain ay kailangan upang magbigay-lakas sa ting katawan. Si Hesus bilang pagkain o tinapay ay higit na nagbibigay sa atin ng lakas para mabuhay. At ang buhay na tinutukoy ditto ay pagsunod sa Kanyang kalooban. Bakit madalas ay nanghihina tayo sa harap ng mga tukso? Ito ay dahil kulang tayo sa pagkaing nagmula sa langit. Bakit hindi natin masumpungan ang tunay na ligaya? Ito ay dahil ibang pagkain ang patuloy nating hinahanap.
Napakaraming paraan upang si Hesus ay ating taggapin bilang tinapay. Sentro sa ating pananampalataya ang Eukaristiya. Dito ay iniaalay ng Diyos ang Kanyang sarili sa Salits ng Buhay at Banal na Sakramento. Si San Pablo Apostol ay nagbibigay sa atin ng iba pang paraan kung paano tayo aayon sa kalooban ng Diyos bilang pagtanggap na rin sa Kanya bilang pagkain na magahahatid sa atin sa kawalang-hanggan “mamuhay kayo tulad ng matatalino… samantalahin ang bawat pagkakataon na makagawa ng mabuti … huwag maglalasing … lagi kayong magpasalamat sa Diyos..”
Ang mga mangmang ay nananantili sa pagsunod sa pita ng daigdig o ng laman. Subalit sng mga matatalino ay laging nagsisikap sundin ang kalooban ng Diyos sa kabila ng mha pagsubok sa buhay. Ang mga mangmang ay tumitingin lang sa nagbulung-bulungan kung paano maipapakain ni Hesus ang Kanyang laman at ipainom ang Kanyang dugo sa atin. Sila ay tulad din ng maraming tao sa kaslukuyang panahon na pilit na ginagamit ang siyensya sa pagtingin sa Eukaristiya.Gayundin ang mga taong literal ang pag-unawa sa mga Salita ng Diyos, ang Diyos dahil sa napakaraming kahilingan. Bagama’t may kapangyarihan ang Diyos na ibigay ang lahat ng iyan, at Siya rin ang nangako na anuman ang ating hingin at ipagkaloob sa atin, huwag nating kalimutan na Siya rin ang nakababatid kung ano ang tunay na makabubuti sa atin. Kaya kung palalawakin natin an gating pananaw at pagkilala sa Diyos, pananalig sa Kanyang walang hanggang kabutihan ang mabisang instrument upang maunawaan natin ang Kanyang kalooban at maging matatag sa pagsunod dito.
Fr. Romeo C. Marcelino, OMI
Grace Park Cross August 17, 2003

Comments
Post a Comment