DAPAT NASA BAHAY TAYO NG ATING AMA

DAPAT NASA BAHAY TAYO NG ATING AMA

Ang linggong ito ay Kapistahan ng BANAL NA PAMILYA.  Ang ating pagbasa ay tungkol sa pamilyang Kristiyano at naglalarawn ng isang pamilyang uliran.

Ayon sa Ebanghelo ni San Lukas, pumupunta taon-taon sa Heruasalem ang mga magulang  ni Hesus para sa Pista ng Paskwa. Kaya’t nang labindalawang taon na Siya, umahon sila tulad ng nakaugalian para sa pagdiriwang (Lk 2:41-42).  Pumunta taon-taon…nakaugalian. Ang mga salitang ito ay nagpapakita ng kabanalang tunay nina Jose at Maria. Ipinagdiriwang nila ang kapistahan na Paskwa at sumasamba sila sa Herusalen hindi paminsan-minsan, hindi kung “feel” lang nila, kundi taun-aton, kaya nakaugalian na. At maaga pa sa buhay ni Hesus, sagulang na mauunawan na Niya ang kahuluagn ng Pista ng Paskwa, ipinaliwanag sa Kanya nina Jose at Maria at dinala Siya upang maunawaan at maranasan Niya nang personal ang kapistahang at relihiyon Niya bilabg isang Hudyo, mula sa lahing pinili ng Diyos.

Nawala si Hesus na hindi namamlayan ng Kanyang mga magulang.Matapos ang tatlong araw na paghahanap sa kanya,natagpuan nila si Hesus sa Temlpo, nakaupong kasama ng mga guro at nakikinig at nagtatanong sa kanila. Nagpaiwan si Hesus sa Herusalem, hindi upang  mag-aliw o  magpalipas ng oras,kundi upangbharapin ang kalooban ng Diyos. Kaya, nang itinanong Siya ng Kanyang  maga magulang, “ Anak, bakit mo naman ito ginawa sa amin? Sinabi Niya sa kanila, “ At bakit ninyo Ako hinahanap? Hindi ninyo alam na dapat ay nasa bahay Ako ng Aking Ama.?

Ipinakita ni Hesus na maaring sundin ang kalooaban ng Diyos para sa kanya sa pagsunod o ppagpapasailalim sa kanyang mga magulang. “Kaya bumaba Siyang kasama nila pa-Nazaret at patuloy Siya sa pagiging masunurin sa kannila…Ay umunlad si Hesus sa karunungan at edad at kagandahang-loob sa paningin ng Diyos at mga tao.” (Lk 2:51-52)

Hindi naintindihan ng mga magulang ni Hesus ang kanyang mga kilos at saliat. Subalit hindi Siya kinagalitan, kundi ”iningatan” nila ito sa kanilang mga puso. Maramimg beses, hindi natin maintindihan amg mga kilos at ginagawa ng ating mga anak. Ang dapat nating gawin ay hindi magalit, kundi pagnilay-nilayan ang dapat nating itugon, upang magampanan natin ang ating tungkulin na matanto sa ating nga anak ang kalooban ng Diyos sa bawat-isa.

Maligayang bati sa mga pamilyang sumusunod at nagsisikap na sundin ang Banal na  Pamilya ng Nazaret. Maligaya at banal na Taon sa lahat!

Padre Jose Dorotheo Ante, OMI
Grace Park Cross December  31,2000

Comments