Buksan natin ang templo ng ating isip at puso

Buksan natin ang templo ng ating isip at puso

Bakit mayroong mga tao sensitibo sa presensiya ng Diyos sa kanilang buhay at mayroon naming hindi? Marahil ito ay isa sa mg sikreto upang maging matiwasay tayo at lumigaya sa buhay na ito.

Ang ating Unang Pagbasa ngayong Linggo mula sa Aklat ni Propeta Maliksi ay nagpahayag ng “pagpapadala ng sugo ng Panginoon upang magpahayag ng  Diyos na ating hinihintay at hinahanap".

Sa ating Ebanghelyo naman naganap ang pag-aalay kay Hesus sa templo bilang pagsunod sa kautusan ni Moises na ang “bawat panganay na lalaki ay nakatagala sa Panginoon. Isang tao noon ang nasa Jerusalem na ang pangala’y Simeon. Inilalarawan siya bilang matapat at malapit sa Diyos. Isinasaad din sa pagbasa na ‘sumakanya ang Espirito Santo. Ang mga katangian niyang iyon ay nangangahulugan ng kanyang pagigging sensitibo sa preseinsya ng Diyos sa kanyang buhay kaya nga pagbpasok ng mag-anak sa templo ay agad niyang nakilala ang ipinangakong Mesiyas. Kinalong niya ito at siya’y nagpuri saDiyos.

Marahil lahat tayo ay patuloy na naghahangad na makilala ang Diyos na  nananahan sa ating piling. Subalit marami sa atin ay hindi wasto ang pagkilala at paraan ng pagahahanap sa kanya.Ang iba sa atin ay tumitingin  lamang sa Diyoss kaugnay ng material na pagpapala. Ang ilan ay sa mga kahindik-hindik na mga pangyayari kaya mananalig lamang sila kung sila ay maysakakasaksi ng mga milagro. Subalit ang diyos na naging tao ay nasa ordinaryong mga bagay rin kaya dapat tayong maging sensitibo. Tulad ni Simeon,ang pagiging matuwid at tapat sa kaloooban ng Diyos ay paraan upang makilala natin siya na nananahanan sa templo ng ating puso at dumarating araw-araw upang tayo ay gawing dalisay at karapat-dapat sa Kanyang harapan. Ang kapistahang ito ng Pagpapadala sa Panginoon sa Templo ay humahamon sa ating buksan ang templo ng ating isip at puso upang ang diyos na laging dumarating at nag-aalay ng Kanyang sarili.

Fr. Romeo C.Marcelino,OMI
Grace Park Cross  February 2, 2003

Comments