Buhay ay tuwirin!
Kung may nagsabi sa iyong dadalawin ka ni Hesus…in person! Ano kaya ang gagawin mo? Tiyak na very excited ka. Magiging bisind-bisi ka sa paghahanda. Maglilinis at mas-aayos ka ng bahay,maghahanada ng pagkain at inumin at kung anu-ano pang mga bagay na magugustuhan ni Hesus. Ngunit ito’y mga panlabas lamang na paghahanda.
Sa ating ebanghelyo
ngayong ikalawang Linggo ng Adbiyento,nagta-town crying si Juan Bautista:
“pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan !” Paghahanda para sa
isinisigaw ni Juan. Paglilinis na panloob… ng ating pangyayari sa ating puso’t
isipan. Sapagkat, dumarating si Hesus sa araw-araw na pangyayari sa ating
buhay…pero, in disguise.
Ipinadarama Niya ang
ppaghahari ng Diyos, ngunit hindi natin nabibiyang pansin. Pagpapatawad, pag-asa
at kapayapaan ang iniaalok niya, at nais Niyang maging mabuti tayo, hindi
makasarili; hindi mapanghusga; makatarungan hindi lamang sa mga presyo kung
hind imaging sa maliliit na bagay. Ang mga timbangan bang ginagamit ng mga
nagtitinda ay tama sa timbang? Ang mga pekeng gamut ba ay patuloy pang
ipinagbibili? Kailan magigising sa katotohanan ang mga maykapangyarihang
nasasangkot sa graft and corruption?
Kailan mahihinton ang pagtaas ng mga pangunahing pangngailangan ng tao:
pagkain, tubig, kuryente, gamot, atbp. Sana’y maliwanagan ngayong panahon ng
adbiyento ang lahat ng kinauukulan upang ang Kaharian ng Diyos ay magkaroon ng
kaganapan sa puso ng bawat isa.
Ang panawagan ni Juan
Bautista noon sa mga Israelita ay angkop
pa rin sa panahong ito. Patuloy ang kanyang pagsigaw. Pakinggan natin
siya. Magbalikloob tayo sa Diyos upang sa ating paghihintay sa pagdating ni
Hesus sa wakas ng panahon ay maratnan tayong nakahanda, may lubos na pag-asa at
pag-asam na makakasama Niya sa buhay na walang katapusan.
Sis. Erlie C. Ongsing
Grace Park Cross December
5, 2004

Comments
Post a Comment