BANAL NA SANTATLO BUHAY NA DIYOS SA PUSO NG BAWAT TAO

BANAL NA SANTATLO BUHAY NA DIYOS SA PUSO NG BAWAT TAO

Nagdiwang sina Lolo Fauto at Lola Clara ng Golden Jubilee ng kanilang kasal. Marami silang kwento tungkol sa limampung taon nolang pagsasama bilang mag-asawa. Sa okasyong iyon ay Masaya silang nagpapaligsahan ng kwento, nagbibiruan tungkol sa ilang pangyayari sa kanilang buhay. Sa tuwa sa kanila ng mga naroon ay iisa lamang ang tanong ng lahat: “Ano po ba ang sekreto ninyo? After fifty years of marriage, tila enjoy pa  rin kayo sa isa’t-isa! Si Lolo Fauto ang paborong sumagot: “Kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos, may mga bago at bago pa akong nadidiskubre dyan sa lola n’yo! Hanggang ngayon eh, isang misteryo pa rin sa wari ko ang asawa kong ‘yan”.

Sa pakikipagrelasyon natin sa isang taong lubos na mahalaga sa atin, walang sawa natin siyang pinakikiramdaman, inuunwa, kinikilala .. Madalas tayong nagugulat na marami pa pala tayong hindi nalalaman o nauunawaan sa kanya. Masasabi nating siya’y isang misteryong para sa atin. Bagama’t kilala natin siya, kabisado natin ang kanyang pag-uugali, nakatutuwang may higit at higit pa tayong nadidiskubre sa pagkatao n gating minamahal at pinahahalagahan. Ito’y karanasang nakakatuwa at hindi natatapos hanggang kamatayan. At ito’y nangyayari lamang sa patuloy at mapagmahal nating pakikipagrelasyon sa kanya.

Ang Banal na Santatlo ay nag pangunahing misteryo ng Iisang Diyos sa  Tatlong Persona. Paano ‘yon? Misteryo nga! – na ang unang dating sa atin ay hindi kayang unawain ng isang tao. Ngunit ang banal na Santatlo, tulad din ni Lola Clara na isang misteryo sa buhay ni Lolo Fausto, ay isang napakagandang katotohanan na handog sa atin ng Diyos ay maari itong maging pinakapuso ng buhay Kristiyano. Kalooban ng Diyos na unti-unti nating makilala at maranasang Banal na Santatlo sa pamamagitan ng buhay at mapagmahal na pakikipagrelasyon sa Kanya.

Sa patuloy na pagdaan at pagpipitagan natin sa Diyos,walang araw o sandal na hindi natin nadaramang Siya’y isang Mapagmahal na Ama. Siya ang lumikha sa atin at sa buong kalikasan. Dama nating patuloy tayong nililikha at pinangangalagaan ngating Amang Diyos. Ngunit tayo’y mahina at makasalanan. Sa paghahangad nating makabangon at tupdin ang mithiing makabalik sa tamang daan, maigting ang pagpapadama ng Diyos bilang ating kapatid at tagapagligtas.Dito natin natatanto ang pag-ibig ng Ama na ibinuhos Niya sa pamamagitan ng Kanyang Anak na si Hesus na nag-alay ng buhay upang tayo’y hikayating bumalik sa Ama. 

At dama rin ang mainit at makapangyarihang pag-ibig na namamagitan at nagbubuklod sa Ama at sa Anak Niyang si Hesus. Ito ang Espirito ng Pag-ibig. Sapagkat ang Banal na Espirito ay Pag-ibig, siya ang nagbubuklod sa atin sa Diyos at sa isa’t-isa. Siya ang nagpapaningas ng ating mithiing bago at bago pa tayong maunawan at maransan sa Banal na Santatlo – ang Buhay na Diyos sa puso ng bawat tao..!

Padre Ben Gomes, OMI
Grace Park Cross July 10, 2001

Comments