Bagong Pananaw sa Buhay

Bagong Pananaw sa Buhay

Noong nakarang Linggo, ikinuwento sa atin ni Hesus ang agwat ng mayaman at ng mahirap na si Lazaro. Isang katotohanang nangyari sa ating mamamayan ngayon at kung hindi tayo gagawa ng paraan, tuluyang lalaki ang agwat at ganon din ang mangyayari sa ating relasyon sa Diyos.

Ang Ebanghelyo natin ngayon ay may kaugnayan sa kwento ni Hesus noong Linggo. Ngunit ditto ipinapakita niya na maaaring alisin ang mga balakid na naghihiwalay sa mga mayayaman atmahihirap, sa mga amo (masters) at mga katulong (servants) .

Ang isang taong may kapangyarihan ay maraming mapagpipilian o “choices” ngunit ang isang mahirap ay walang kapangyarihan at walang gaanong pagpipilian. Ang isang  mayaman, makapamimili ng magandang eskuwelahan, tirahan, saskyan, kasuotan at pagkain, samantalang ang hamak na mahirap ay walang mapagpipilian kundi ang kung ano ang nandiyan at kaya lang nilang abutin.

May bagong pananaw sa kwento ni Hesus ngayon. Sinasabi niya, ang isang amo na mayaman ay may kapangyarihan mamili para sa kabutihan ng iba lalo na sa mga abang lingkod, kung saan sa halip na sila ay gawing alipin o utusan,sila ay kanyang maging kaibigan at maging kasalo sa hapag-kainan at sa lahat ng bagay na pwedeng pagsaluhan. At kapag ganito ang mangyayari ang mga dukha at walang kapangyarihan ay magkakroon ng halaga sa buhay.

Ako’y humahanga sa iilang mayayaman na ang tingin sa kanilang maga katulong ay “tao”  na may pangangilangan, may dangal, may buhay at may halaga sa mundo. Ipinadarama sa kanila na hindi na lamang sila hamak na katulong kundi kasama, kaibigan, kakagapay at katuwang. Ako nama’y nalulungkot sa iilang makapangyarihan na wailang iniisip kundi ang kapakanan nila at ang tingin sa mga mahiharap ay walang  halaga, sakit ng lipunan, basura at walang  kwenta. Karamihan sa mga mahihirap ay hindi nila ginusto na maging ganon ang estado nila sa buhay. Lalong hindi ginusto ng diyos na sils ay hamakin, apihin at ipagwalang-bahala.

Tayong lahat ay mahal ng  Dyos, pantay ang pagpapahalaga sa atin dahil tayo ay nanggaling sa Kanya at kaloob Niyang tayo’y tumungo sa iisang Diyos ngayon at sa  buhay na walang hanggan. Mahalin natin an gating kapwa, mahirap man o mayaman at gumawa ng kabutihan para sa lahat. Kahit sa munting paraan sa araw-araw, ito’y malaking bagay sa kaharian ng Diyos. Higit sa lahat,tayo’y  maging tunay na linkod sa isa’t-isa, na may kababaang-loob at tunay na pagmamahal.

Sr.Thelma B. Arguilles, OND
Grace Park Coss October 3, 2004              

Comments