ASIN, AKO AT SI KRISTO
Ang asin ay may iba’t-ibang kagamitan. Sa pagluluto,ito ang pangunahing panimpla upang magkaroon ng linamnam ang pagkaing ating niluluto.Nagsisilbi ring pangusilba ang asin sa mga pagkaing mabilis na nabubbulok. Sa madaling salita, ang asin ay kapaki-pakinabang sa buhay ng tao.
Sa isang banda naman, ang asin ay nakapipinsala. Kung ang
lupa ay sobra sa alat siguradong ang mga pananim doon ay hindi
lalago. Nakamamatay din ang asin. Noong unang panahon,ginagamit ang asin upang
magpahirap ng labis o mag ”torture” ng isang tao. Samakatuwid, ang asin ay
sagisag ng buhay at maging ng kamatayan.
Sa antas at sa usaping pangkultura naman,ang konseptong
dinadala ng asin ay may kaakibat na positibong kahulugan. Halimbawa, para sa mga
Arabyano, ang asin ay sagisag ng pangako at kapayapaan.Kapag damang-dama nila
ang isang pangako o ang isang mapayapang kalagayan, maaasahan nating ang
sasabihin nila ay nag ganitong mga pangungunsap, “Merong asin na namamagitan sa
atin" o di kaya’y. ”Manamahal kita tulad ng asin. ”Sa mga taga-Persiya
naman, kapag ang isang tao ay nakakakitaang walang utang na loob,sasabihin
nilang, ”Ang atong ito ay hindi totoo sa asin.
Sa pagsasalaysay ni San Mateo para sa ating Mabuting Balita
sa linggong ito,sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad, ”Kayo’y asin sa
sanlibutan.Kung mawala ang ala tang asin,paano pang mapapanauli ang alat nito?
Wala na itong kabuluhan kaya’t itinatapon na lamang at niyayapakan ng mg ato”
(Mt. 5:13-16) Sa talatang ito,malinaw na ang paghahalintulad ni Hesus sa
Kanyang mga alagad sa asin ay nasa positibo at hindi sa negatibong kagamiyan
nito. Sa pangungunsap na ito ni Hesus ay dala ang katotohanan na ang kanyang
mga alagad ay buhay ng sanlibutan at hindi kamatayan ng samlibutan.Dahil sa
sila ay asin ng sanlibutan dala nila ay timpla at lasa ng isang disipulo, ng
pagiging tagasunod sa Panginoon.
Mayroong mukha ang pagiging asin sa sanlibutan. At ang anyo
nito ay nasa sinasabi ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa, “Ang mga
nagugutom ai inyong pakainin,patuluyinsa imyong tahanan ang walang
tirahan.Yaong mga tao na halos hubad na ay inyong damtan. Ang inyong pagtulong
sa mga kasama ay huwag tatalikdan” (Isa 58:7-10)
Ang linamnam ng ating pagiging asin ay nakukuha sa ating
baway pagkilos sa araw-araw lalong-lalo na sa ating pakikisalamuha sa
kapwa. Kapag tayo ay naging matabang sa ating pagkakristiyano, paano pa tayo sa
iba? Kung iniisip nating tayo nga ay mga “asin sa sanlibutan” alalahanan din
natin ang epekto nito sa atin. Dapat laging
handa ang ating mga sarili na maihain sa anumang kaganapan sa ating
lipunan higit lalo pa kung ito ay nangangailangan n gating pagtugon. Bilang
isang Kristiyano,hindi tayo makapapayag na tayo ay nasa tabi lamang ng
lutuan, kailangang tayo ay kasama sa mga niluluto dahil dito lamang magiging makabuluhan n gating linamnam at
mapapatunayan ang timpla ng ating pagka-kristiyano. Ang alat na dinadala ni
Kristo ay siyang alat natin. Panatilihin natin ito habang tayo ay nabubuhay sa
mundo.
Fr. Gene P. Gilos, OMI
Grace Park Cross February 7, 1999

Comments
Post a Comment