ANO BA ‘YAN PURO HIRAP NA LANG BA?

ANO BA ‘YAN PURO HIRAP NA LANG BA?

Ang Pagbabagong-Anyo ni Hesus ay nangyari matapos ang Kanyang tahasang pagpapahayag sa mga alagad na darating na ang panahon na Siya’y “dapat magbata ng maraming hirap…Siya’y itinakwil ng matatanda ng bayan…at ipapapatay! ”(Mk 8:31). Nagulumihan sa pag-aalala at takot ang mga alagad. Ngunit, sa halip na baguhin o pagaanin ang Kanyang sinabi ay idinugtong pa ni Hesus: “kung ibig ninunmang sumunod sa Akin, itakwil niya nag kanyang sarili,pasannin ang kanynag krus, at sumunnod sa Akin! ”Ganoon katahasan at katotoo si Hesus sa mga nagdesisyong sumunod sa kanya!

Pero, puro hirap na lang ba ang pagiging alagad? Tinawag ba Niya sila upang magdusa lamang at mamatay sa krus? Ano ang saysay ng pagtatagala nila ng buhay sa pagsunod kay Hesus, kung ang lahat ay magwawakas lamang sa isang nakahihiyang kamatayan? At paano naman ang Guro? Napamahal na Siya sa kanila. Ang lahat ba ng kanyang magagandang aral at nagpapaginhawang gawain ay gagantimpalaan ng paghihirap at kamatayan ganoon din ba ang mangyayari sa kanila?

Walang higit na nakakaalam at nakakauanawa sa bigat ng kanilang damdammin kundi ang mismong si Hesus.At ang tugo ni Hesus ay ang hiwaga ng Pagbabagong–Anyo.

Isinanama ni Hesus si Pedro, Santiago, at Juan sa isang bundok, na malamang ay ang bundok ng Tabor sa pagitan ng Nazaret at Naim. Sa pananalangin ni Hesus ay napansin nilang may kakaibang ningning ang Kanyang mukha. Isang maningning na liwanag ng Kanyang katauhan na sumisinag na rin sa Kanyang damit at balabal. At napansin din nilang hindi Siya nag-iisa. Nakikipag-usap si Hesus kina Moises at Elias. At tatlo at ang buo nilang kapaligiran ay puspos ng isang kakaibang liwanag.

Anong bagong sigla ng kalooban ang nadama nila! Ang lalim ng ligaya, aliw, at ginhawa! Napabulalas si Pedro, ”Guro,dumito na lang tayo! Gagawa na lang kami ng tirahan ditto para sa inyo. ”At higit silang namangha nang may tinig na buhat sa kung–saan: “Ito ang Aking Anak na pinakamamahal…pakinggan ninyo Siya!.”

Sa totoo lang pala, ang buhay ni Kristo ay ang maningning na presensiya ng Diyos na nagpapaligaya at nagpapaginhawa sa tao. Ang mga suliranin ay kaakibat lamang ng isang buhay na nakalaan sa pagtugon sa kalooban ng Ama at pagtatalaga ng sarili sa kapakanan ng iba. Di natin ito dama sapagkat bilang tao natural lang na matuon an gating isip at damdamin sa bahaging negative n gating buhay. Madalas ay nalilingid sa atin ang liwanag ng Banal na Espirito na bunga ng ating masigasig na buhay at paglilingkod sa ngalan ni Hesus.

Ngunit hindi ito lingid sa mga taong nakadarama ng ating malasakit sa ngalan ni Hesus. Walang kasinghalaga sa kanila ang ginhawa, aliw at liwanag na kanilang nararanasan sa ating “Gawain ng pagmamahal.” Ang buhay ng tunay na alagad ay liwanag sa tao at sa buong kalikasan. At ito’y sa kabila ng mga sakripisyong maaring kaakibat ng buhay.

Fr.Ben Gomez, OMI
Grace Park Cross August 6, 2000

Comments