ANG MAS DAKILANG KALOOB

ANG MAS DAKILANG KALOOB

Nagkawatak-watak ang mga taga-Corinto dahil sa pagkakaroon nila ng iba’t-ibang karisma o kaloob. Ipinagmamalaki ng bawat-isa ang ipinagkaloob sa kanya ng panginoon.Kaya’t sinulatan ni san Pablo ang sambayanan ng Corinto na Iba’t-iba ang paraan ng paglilingkod, ngunit iisa lamang ang panginoon pinaglilingkuran. Ang bawat-isa’y binigyan ng kaloob para sa ikabubuti ng lahat” (Cor 12;4-6). Ang mga nagpapahayag,ang nakaunawa, ang may malaking pananalig sa Diyos, ang nagpapagaling ng mga may sakit, ang gumagawa ng himala, ang lahat ng ito ay dapat gawin para sa ikabubuti ng sambayanan. Sa huling talata  nitong kapitolo, inaanyayahan ni Pablo ang mga taga-corinto na “adhikain ninyo ang mas dakilang kaloob” (1Cor 12:31).

Mali ang mga taga-corinto sa pag-aakalang ang mga kaloob ay para sa kanilang sarili lamang at maari nila itong gamitin kahit papaano para sa sariling kapakanan. Nangyayari pa rin ito ngayon. May mga namumunno sa bayan, mga abogado, mga kongresisita at mangangalakal na nag-aakalang karapatan nola ang posisyon o pera at wala silang tungkulin sa mga tao  o sa bayan. Kaya’t ipinagbibili nila ang kanilang paglilingkod o dunong sa pinakamataas ba makakagbayad.Binabaligtad nila ang “order” ng sanlibutan.sa halip na gamitin ang mga kaloob o salapi sa kabutihan ng lahat,ginagawa nilang panginoon amg salapi at wala silang pakiaalam sa ikabubuti ng iba.

Sa ikalawang pagbasa ay utinuturo ni San Pablo ang “isang mas mabuting daan” mas mahalaga kaysa mga kaloob. Ang daang mas dakila ay ang Daan ng Pag-ibig ang ugat na nagbubuklod sa lahat at kung mawawala ito ay mawawalan na rin ng kabuluhan ang lahat. Walang halaga ang mga kaloob, kahit na ang pag-aalay ng buhay,kung ang mga ito’y ginagamit nang hindi dahil sa pag-ibig. Ang iba’t-ibang kaloob tulad ng pagpapahayag ng salita, ang pagsasalita sa iba’t-ibang “wika” at kaalaman ay mawawala, subalit ang pag-ibig ay magpasawalang-hanggan. Pagkatapos ay ipinahayag ni San Pablo ang mga katangian ng pag-ibig.

“Ang pag-ibig ay matiyaga..mapagpasensiya.” Siguro ang pinakamalimit na ikinukumpisal ng tao ay ang kawalan ng tiyaga. Nawawalan ng pasensiya ang mga magulang sa kanilanh mga anak. Ganoon din ang mga anak sa kanilang mga magulang. Nawawalan ng tiyaga ang mga “secretary” sa kanilang “boss”. Nawawalan ng tiyaga ang mga “parishioner” sa kanilang kura paroko. Nawawalan ng tiyaga ang ibang mga mananampalataya kay Cardinal Sin dahil sa kanyang “pakikihalubilo’ sa politika. Ang pagkawala ng tiyaga ay dahil sa hindi pagtanggap sa ibang tao ayon sa kanilang pamamaraan”. Mahal kita!” subalit karugtong ng mga salitang ito ang lihim na kundisyong,” ayon sa aking pamamaran.” Mahal kita subalit sundin mo ang aking kagustuhan at ayon sa aking itinakdang panahon. Mahal kita sa araw ng halalan lamang, upang ihalal mo ako. Makipot ang pananaw. "Ang pag-ibig ay matiyaga”.

“Ang pag-ibig ay hindi makasarili”. Natural lamang ang pagiging makasarili, subalit ang hmon ng pag-ibig ay kalimutan ang sarili. Ang pagiging tamad, ang pagsusugal o pagtaya sa jueteng o lotto ay dahil sa pagiging makasarili. Ayaw nating magbanat ng buto. Maraming mga politiko ang lumipat sa Edsa People Power II, hindi dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan, kundi dahil sa malapit na ang susunod na halalan. Ang bawat katangian ng pag-ibig ay hamon sa araw-araw nating pamumuhay!

Fr. Jose Dorotheo Ante, OMI
Grace Park Cross January 28, 2001

Comments