ANG MAPAGPATAWAD NA AMA

ANG MAPAGPATAWAD NA AMA

Sa Ebanghelyo ni San Lukas, tinutuligsa ng mga eskriba at pariseo ang pagsama at pakikisalo ni Hesus sa mga taga-kolekta ng buwis at mga makasalanan. Bilang tugon sa kanila, isinalaysay Niya ang tatlong talinghaga.

Tulad ng pastol na nakatagpo sa kanyang nawawalang tupa o babaeng nakasumpong sa perang nawala, napakalaki ng tuwa ng ama nang bumalik ang kanyang anak na “nawala.” Hindi man lamang naisipang magalit ng ama sa kanyang anak bagkus ipinagdiwang niya sa isang salu-salo ang pagbabalik nito. Ang pagbabalik-loob, pagsisisi, at pagkakasundo na nagsimula sa pag-amin ng anak sa kanyang pagmakasalanan ay humantong sa  pagdiriwang.

Ang galit ng panganay na anak na maari sanang sumira sa tuwa ng pagdiriwang ay hindi pinansin ng ama. Tulad ng mga eskriba at pariseo binatikos ng panganay na anak ang kanyang ama sa pagtanggap niya sa bunsong anak na umamin sa kanyang pagkamakasalanan at sa salu-salong inihanda para sa kanya. Ipinagwalang bahala ng panganay ang pagbabalik-loob at pagbabagong-buhay ng kapatid at ang kakayahan ng ama na magpatawad at magbigay ng salu-salo. Pinanindigan ng ama ang kanyang desisyon at inulit niya na nararapat lamang na magalak at magdiwang sila dahil ang kanyang anak ay “patay” na ngunit muling nabuhay, nawala ngunit natagpuan!

Noong mga araw na iyon, ang talinghagang ito ng ama at ng maagkapatid ay pinangalanang “Talinghaga ng Alibughang Anak.” Subalit sinabi ni Joachim Jeremias (dalubhasa sa Banal na kasulatan) na ang pinaka-imporanteng tauhan sa talinghaga ay ang ama. Ang malaking pagmamahal ng ama sa kanyang anak na hindi magkapareho ang isipan ang namayani. Ipinahayag ng ama ang kanyang malaking pagmamahal,una sa  pagbibigay ng pamana sa bunsong anak at sa pahintulot na gamitin ito ayon sa kagustuhan ng anak. Minahal pa rin niya ang anak nang bumalik ito matapos waldasin ang kanynag mana.

Sa kabila ng pagmamhal na pagtanggap at paghalik sa kanya, hindi pa rin matanggap ng bunso na pinatawad na siya ng kanyang ama. Hindi niya kayang patawarin ang sarili at tanggapin ang patawad ng kanyang ama.Pilit niyang ikinumpisal ang kanyang pagkakasala. Nagulat siya sa tugon ng kanyang ama, sa halip na ituring siyang utusan na lamang, sapagkat iyon ang nararapat, naghanda ng pagdiriwang ang ama.

Akala ng panagnay ay ginagantimpalaan pa ng ama ang masamang buhay ng kanyang kapatid. Tulad ng bunso, nahirapang tanggapin ng panganay ang pagiging mapagpatawad ng kanliang ama. Hindi matanggap ng panganay ang apagbabagong-buhay ng kapatid. Sa kabila ng kaliitan ng kanyang isip at puso, mahal pa rin ng ama ang panganay niyang anak. Hindi pinilit ng ama na sumali sa pagdiriwang ang anak at pinabayaana magdesisyon kung ano ang tingin ng anak asa kanya bilang ama sa kanyang kapatid.

Ipinakita nitong talinghaga king paanong ang ating mga kahinaan at pagkakasala ay nakabubulag sa atiin at di natin nakikita ang gawain ng Diyos sa ating kapakanan. Humahadlang ang ating mga kasalanan sa ating pakikiisa sa Diyos at sa ating mga mahal. Subalit kailangan lang gumawa ng kaunting hakbang patungo sa Diyos at agad tayong sasalubungin ng Diyos. Nagagalak ang Diyos sa ating pagbabalik-loob. At kung ipinagdiriwang ito ng Diyos,dapat din tayong magdiwang sa pagbabalik-loob natin at ng ating mga kapatid!

Father Jose Dorotheo Ante, OMI
Grace Park Cross March 25, 2001

Comments