ANG “MAGNA CARTA” NG MGA ALAGAD NI JESUS

ANG “MAGNA CARTA” NG MGA ALAGAD NI JESUS

“Nang makiyta ni Jesus ang napakaraming tao,umahon siya sa bundok Pagkaupo niya’y lumapit ang Kanyang mga alagad, at sila’y tinuruan Niya ng ganito: aasahan kundi ang Diyos.” Sa bahaging ito ng ebanghelyo, ipinapakita sa atin ni Mateo na si Jesus ang bagong Moises at Guro. Si Moises ay umakyat sa bundok upang tanggapin ang sampung kautusan ng Diyos. Tulad ni Moises, si Jesus ay umakyat din sa bundok upang ibigay ang bagong kautusan sa pamamagitan ng “beatitudes” o pagpapala. Tulad ng mga rabbi o guro ng mga hudyo na nakaupo kapag kapag mahalaga ang kanilang itinuturo si Jesus ay nakaupo upang ipakita na mahalaga ang kanyang itinuturo. Ipahayag ni Jesus ang "magna carta” ng kanyang buong buhay.

Ang larawan na ibinibugay ni Jesus ay kaiba sa larawan na ating dala-dala tungkol sa kapalaran, kapayapaan at kaligayahan. Ayon kay Jesus ang mga bagay o pangyayaring iniiwasannatin ang siyang daan patungo sa kaligayahan, samantalang ang mga bagay o pangyayaring hinahabol natin ang nagpapalayo sa atin sa kaligayahan. Ang pagkawala ng yaman, kapangyarihan, o ang kalungkutan na ating nararanasan sa pagsunod kay Jesus ang siyang nagdadala ng pagpapala ng Diyos. Kung wala nang inaasahan ang isang tao kundi ang Diyos, tutugunin siya ng Diyos.

Sa palagay ni Jesus,ang kanyang mga alagad ay dukha. Ngunit hindi naman lahat ng dukha ay kanyang alagad. Ang tinutukoy ni Jesus ay ang mga tunay na dukha, walang anumang kayamanan.Paano naman tayo na hindi talagang walang-wala? Kung titingnan natin ang buong “beatitudes" makikita natin na ang mensahe ni Jesus ay ito : kung gagamitin natin an gating kayamanan para sa ating sariling ginhawa lamang samantalang wala tayong pagtingin sa mga naghihirap, hindi maghahari sa atin ang Diyos, hindi tayo makakapasok sa kaharaian ng langit. Ang kayamanan na kinikupkop sa kabila ng matinding pangangailangan nh marami ay maaaring maghadlang sa paghahari ng Diyos.

“Pagpalain” ay isang salitang pabalik-balik sa ating pagdiriwang ng Misa. Dumudulong tayo sa Diyos dahil sa kailangan natin ang kanyang awa at tulong.Sa harap ng Diyos tayo ay mga dukha. Ang pinagpala ay nagpapahayag ng kapangyarihan ng Diyos. Sa pagpapala, pinupuri natin ang Diyos at pinasasalamatan natin Siya.

Ang sambayanan na nagtitipon para sa Eyukaristiya ay nagdiriwang ng katapatan ng Diyos. Sa harap ng kamatayan, ang karanasan na parang sumisira sa lahat, nadarama natin ang katapatan ng Diyos. “Si Kristo’y namatay. Si Kristo’y nabuhay. Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.” Bawat linggo, ang mga sumasampalataya ay nagpapaalaala na ang diyos na matapat ay nagbigay ng buhay galing sa kamatayan.                                                                                                                          
Fr. Jose D. Ante, OMI
Grace Park Cross January 31, 1999

Comments