ANG DIWA NG MULING PAGKABUHAY
Hinding-hindi ko malilimutan ang aking karanasan sa aking matalik na kaibigan nang magkasakit ng kanser ang kanyang asawa at taningan ang aninm na buwan upang mabuhay. Nasa loob ako ng monastery noon at nagbabakasyon. Sakatahimikan ng aking pagninilay ay biglang tumunog ang telepono. Nang aking sagutin ay wala muna akong narinig na tinig. Maya-maya pa’y mayroong humihikbi sa kabilang linya. Mabigat ang pagdadalamhati ng laibigan ko. Putol-putol ang kanyang pagsasalita at wala siyang nasabi kundi ipanalangin ko ang kanyang asawa.
Simula noon, naramdaman ko ang bigat sa dibdib ng aking
kaibigan. Kaya araw at gabi ang laman ng aking dasal ay si Edna na kanyang
asawa. Siyempre, ang hiniling ko sa Diyos ay pagalingin siya.Natapos ang aking
pagninilay sa loob ng monastery at una kong inisip ay makadalaw sa ospital.
Isang napakagandang karanasan ang naganap na para sa akin ay mistulang diwa ng
Muling Pagkabuhay.
Matapos ang kamustahan, ang pagsisikap bigyan ng konting
konsolasyon ang may sakit sa binig ng kanyang paghihirap, nagkasarilinan kaming
magkaibigan. Kinilabutan ako sa tuwing aking maalala ang pangyayari. Sa kabila
ng lahat, siya ay nagkaroon ng ibayong katatagan, pananampalataya, pag0ibig sa
kanyang asawa. “Anuman ang mangyari, ang mahalaga ay naipakita ko sa aking
asawa ang pag-aalaga at pagmamahal.” Napabuntunghininga ako at naisaloob na
dininig sa Edna kundi higit pa roon sa pamamagitan ng isang malalim na
pagtanggap at pagtingin sa katotohanan ng ating buhay pananampalataya. Marahil,
iyon ang kagalingan dapat nating hanapin.
Ang Muling Pagkabuhay ay aghahatid ng pag-asa, ibayong lakas,
kapayapaan, kagalakan, at pag-ibig na wagas. Subalit ito ay humihigit sa mga paraang ating
nakasanayan. Kung paanong hindi agad nakilaala ng mga alagad ang muling nabuhay
na Panginoon, gayundin naman tayo kung minsan dahil punaiiral natin an gating
sariling pag-iisip at paghahangad. Hindi natin binubuksan ang sarili sa
katotohanang gusting ialay ng Diyos sa atin.
Tulad ng kaibigan kung si Arnold, maranasan nawa natin ang misteryo ng Muling Pagkabuhay
ni Kristo sa pagbabago n gating buhay, pagpapalalim sa ating pananalig sa
Kanya, pagtanggap sa mga hamon ng ating mga pagpapakasakit at Makita ang
kahulugan ng mga ito,patuloy nna magmahal sa kabila ng napakaraming tanda ng
kawalan nito.
Sa panahong nakasusumpong tayo na muling magmahal matapos
ang kabiguan, tayo ay nakikibahagi sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay.
Sa bawat ngiti na mababakas sa ating mukha, matapos ang luha
at pagdadalamhati,humarap sa bukang liwayway pagkaraan ng bagyo, tayo ay
nakikibahagi sa kapangyarihan ng muling pagkabuhay.
Nagapi na ni Hesus ang kamatayan.Ngayong wala nang ano pa
man ditto sa mundo ang makasisira o makagagapi sa atin – hindi ang sakit at
lumbay, o kaya’y kasalanan, maging ang kamatayan.
Nagapi na ni Hesus ang lahat at magagawa rin natin yan kung
tayo ay kakapit sa Kanyang lagi. Hindi natin kailangan hintayin ang kamatayan
upang maranasan ang Muling Pagkabuhay.
Fr. Romeo C. Marcelino, OMI
Grace Park Cross April
20, 2003

Comments
Post a Comment