ANG HULING PAGHUHUKOM
May kaibigan aking taga-probinsiya na pumunta rito sa Maynila dahil sa nailapit dito sa hukuman sa Maynila ang kanyang kaso. Pagdating ng araw ng paghahatol, takot na takot siya dahil sa ginawang paglilitis sa kaso, lumabas na nagkasala siya, kahit napakaliit ng pagkakasalang nagawa niya. Dahil lang sa pagpa-punch-in ng time record ng kanyang kasamahan sa opisina, hinatulan siyang mabilanggo ng dalawang taon.
Ang Ebanghelyo ngayon ay tungkol sa huling paghuhukom. Natatakot
sa huling pahhuhukom dahil sa ating karanasan ng paghuhukom dito sa lupa.
Kapag nasasakdal ang isang tao, hinahanapan siya ng pagkakamali upang
parusahan. Ganoon din ang pagtingin natin sa huling paghuhukom. Subalit iba ang paghuhukom ng Diyos sa huling araw at
ang kaibahang ito ay ipinakikita sa ating misa, sa mga antipona, salmon tugunan
at panalangin.
Ang sabi ng antionang pambungad: “Sinabi ng Poong
banal, pag-asa’t kapayapaan ang nais Kong inyong kamtan. Kayo’y Aking pakikinggan
at bibigyan ng kalayaan” (Mk 13:24), ipinapanalangin natin na “ang
kagandahang-loob Mo ay aming makamtan at ang bunga ng walang-hanggang pag-iral
ay aming mapakinabangan” (Panalangin Ukol sa mga Alay). “Hangarin ko’y sa
piling ng Diyos madako” (Antipona Pagkatapos ng Pakikinabang), “nawa’y pag-ibig
ay lalong maragdagan” (Panalangin Pagkapakinabang).
Ang pagpapaliwanag ng Ebanghelyo ay naging lubos sa
liturhiya. Ang pananampalataya ng Iglesya ay ipinahahayag sa Banal nakasulatan
at buhay ng Iglesya. Ayon sa ninunong Prospero ng Aquitania, “Ang batas ng
panalangin ay batas din ng pananampalataya.” Kung paanong nananalangin ang
Iglesya, ganoon din ito sumasampalataya. Ang liturhiya ay isang sangkap na
pangunahing ng tradisyon banal at buhay.
Hindi dapat ikatakot ang Katapusan ng Daigdig. Ang mga
kaatpusan kung minsan ay nagdadala ng kalungkutan,tulad ng katapusan ng
bakasyon, katapusan ng tag-init, katapuasan ng mabuting kalusugan o kalayaan.
Kung minsan naman ang mga katapusan ay simula ng pagbabago, tulad ng pagkatapos
ng opersayon sa puso,pagtigil ng bagyo, o kaatpuasn ng digmaan.
Ang dalawang mukha ng katapusan an gating ipinagdiriwang sa
mga huling lingo ng taon.Hindi ito maiiwasn o maaring tanggihan.Subalit dahil
sa ating pananampalataya tayo’y nakatitiyak na ang lahat ng katapusan,sakuna, sakit, pagpapabaya, pagsubok ay nagbibigay-daan sa kapayapaan, kaligayahan sa
harap ng Diyos,buhay na walang hanggan, pag-ibig. Ito ang buhay na walang
hanggan.
Ang paghuhukom ng Panginoon ay hindi upang hatulan ang
tao,kundi upang ipakita kung gaano Niya kamahal
ang tao. Ang ating pagdiriwang tuwing Linggo ay pagpapakita ng
pagmamahal ng Diyos sa atin at tugon na Kanyang inaasahan.
Grace Park Cross November 19,2000
Comments
Post a Comment